^

PSN Opinyon

EDITORYAL - May biktima na naman ang ‘pataynity’

Pilipino Star Ngayon

MAY nadagdag na naman sa listahan nang mga namatay sa hazing. Isang dating estudyante ng Southern Luzon State University (SLSU) ang namatay makaraang sumailalim sa initiation rites ng isang fraternity sa Tagkawayan, Quezon noong Oktubre 17. Nakilala ang biktima na si Ariel Enopre, 24. Namatay siya dahil sa kidney failure at infection. Ayon sa pulisya, 11 miyembro ng Tau Gamma Phi Fraternity ang sangkot.

Noong nakaraang Hunyo 29, 2014, namatay din sa hazing si Guillo Cesar Servando, 18, sophomore student ng De la Salle University-College of St. Benilde. Mga miyembro ng Alpha Kappa Rho ang nagsagawa ng hazing. Hindi pa nakakamtan ng mga kaanak ni Servando ang katarungan.

Sa kamay din ng mga miyembro ng fraternity namatay ang San Beda law student na si Marc Andrei Marcos makaraang sumailalim sa initiation noong Hulyo 29, 2013. Noong nakaraang Pebrero 2013, isang San Beda law student din ang namatay dahil sa hazing ng fraternity.

Ipinasa ang Republic Act No. 8049 (Anti-Hazing Law). Sa batas, mahigpit na ipinagbabawal ang pagsasailalim sa hazing o initiation ang miyembro ng fraternities, sororities at iba pang organisasyon. Narito ang kaparusahan: 1) Habambuhay na pagka­bilanggo (reclusion perpetua) kapag nagresulta sa pagkamatay, panggagahasa, sodomy or mutilation; 2) Labimpitong taon, 4 na buwan, 1 araw hanggang 20 taong pagkabilanggo kapag ang biktima ay nasiraan ng ulo, naging inutil o nabulag; 3) Labing-apat na taon, 8 buwan at 1 araw hanggang 17 buwan at apat na buwang pagkakabilanggo kapag ang biktima ay nawalan ng boses, pandinig, pang-amoy, pagkabulag, pagkaputol ng kamay, paa, braso, dahilan para hindi na makapagtrabaho; 4) Labindalawang taon  at 1 araw hanggang 14 na taon at 8 buwan na pagkakabilanggo kapag ang na-deformed o nawala ang alinmang bahagi ng katawan ng biktima dahilan para hindi na niya magampanan ang kanyang mga tungkulin.

Patuloy ang hazing ng mga pataynity. Hindi kinatatakutan ang R.A. 8049 at nagsisilbing dekorasyon lang. Dagdagan ang kaparusahan sa mga sangkot sa hazing. Magkaroon ng pagsisiyasat ang mga unibersidad sa mga itinatatag na fraternity sa campus. Kilalanin ng neophyte ang sasalihan nilang fraternity. Huwag sumama sa “pataynity”.

ALPHA KAPPA RHO

ANTI-HAZING LAW

ARIEL ENOPRE

GUILLO CESAR SERVANDO

HAZING

MARC ANDREI MARCOS

NOONG

REPUBLIC ACT NO

SAN BEDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with