^

PSN Opinyon

Emergency power

- Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

TIYAK na tiyak na raw ang pagbibigay ng Kongreso kay Presidente Aquino ng emergency power para maagap makatugon sa ano mang nagbabantang problema sa kakulangan ng elektrisidad sa susunod na taon.

Marami ang may agam-agam dito. Baka raw tumaas nang sobra-sobra ang halaga ng kuryente dahil sa mga bagong kontrata sa pagbili o pagrenta ng mga power generators.

Nakatakda na raw aprobahan ng House of Representative ang joint resolution na magkakaloob ng emergency power sa Pangulo bago matapos ang buwang ito. Totoong ito’y isang hakbang na naaayon sa Konstitusyon.

Kapag may ganitong poder ang Pangulo, aalisin na ang mga bidding requirements sa pagbili o pagrenta ng mga kakailanganin ng gobyerno para matugunan ang mga pangangailangan sa elektrisidad ng bansa.

Sabi ng barbero kong si Mang Gustin, “eh kung sa kasalukuyang sistema ay nakakapandaya ang ibang opisyal ng pamahalaan sa pamamagitan ng tinatawag na bidding-biddingan, yung pa kayang aalisin ang bidding?”

Sa dinami-dami ng mga kaso ng katiwaliang nangyayari, hindi maiiwasan papasok ang ganyang mga suspetsa sa isip ng taumbayan.

Marami na nga ang nagdududa sa ipinamamaraling “tuwid na daan” ni Presidente Aquino dahil tila baga ang mga kaalyado niyang opisyal sa gobyerno na nadadawit sa mga anomalya ay agad niyang inaabsuwelto.

Napakahalaga ng pagtitiwala ng bayan hindi lamang sa Pangulo kundi sa lahat ng umuugit sa pamahalaan. Ngayon ngang nalalapit nang magkaroon ng emergency power ang Pangulo, hindi dapat umiral ito sa isip ng mamamayan.

Para sa akin, kung tala­gang may namumuong power crisis sa susunod na taon, dapat bigyan ng benefit of the doubt ang Pangulo para maaksyonan ang problemang ito dahil hindi birong problema ang lilikhain ng kakulangan o kawalan ng elektrisidad.

HOUSE OF REPRESENTATIVE

KAPAG

KONGRESO

KONSTITUSYON

MANG GUSTIN

MARAMI

PANGULO

PRESIDENTE AQUINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with