^

PSN Opinyon

Close-open Close-open

- Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

KAHIT buhayin pa ang parusang kamatayan para sa mga gumagawa ng buktot ng krimen wala na itong kredibilidad. Magtatawa lang malamang ang mga mamamatay-tao, rapist, kidnappers, plunderers at iba pang gumagawa ng karumaldumal na krimen. Bakit ko nasabi?

Ito kasi ang parusang “close-open.” Nang maupo si President Corazon Aquino ay nag-lobby ang mga tinatawag na human rights at religious group para buwagin ang parusang ito na simula nang ako’y isilang ay umiiral na. Hindi raw makatao.

Sumunod ang administrasyong Cory at inalis ng Kongreso ang parusang kamatayan sa silya elektrika. Pero hindi nagtagal, sa panunungkulan ni Presidente Fidel Ramos, ang parusang bitay ay ibinalik ngunit hindi na sa silya elektrika kundi sa pamamagitan ng lethal injection. Isa sa mga nasampolan  dito ang isang inakusahang rapist na si Leo Echegaray.

Ngunit hindi rin nagtagal ay muling nag-rally ang mga sektor relihiyoso at mga grupong pang-karapatang pantao laban sa bitay kaya ito’y muling ibinasura ng pamahalaan.

Kamakailan ay naging biktima ng karumaldumal na pagpatay ang ina ng aktres na si Cherry Pie Picache. Dahil dito’y nag-uminit muli ang clamor na buhayin ang bitay. Si Picache mismo ang nanguna sa panawagan sa gobyerno na pag-aralan ang pagpapanumbalik ng parusang kamatayan. Marahil ay silakbo ito ng damdamin ng isang anak na ang ina’y walang awang pinatay.

Kung mapagbibigyan ang ganyang panawagan at bubu­hayin ang bitay, magiging katawa-tawa na ito. Isa pa, palagay ko ay maraming mambabatas ang tututol dahil lubha silang vulnerable sa kasong pandarambong o plunder maging ito’y totoo o paninirang-pulitikal. Alam nang madla na ang plunder ay klasipikadong buktot na krimen na pinapatawan ng pinakamabigat na parusa. Kung ang bitay ay maibabalik, pati ang mga politikong kinasuhan at nahatulan sa salang plunder ay mabibitay.

Alam n’yo ba ang tunay na problema? Ito’y nasa ating sistema ng katarungan. Mailap ang hustisya sa mga dapat lapatan nito dahil sa tatlong “justices” na kinasusuklaman ng lahat: Justice Delayed, Justice Denied at ang pinakatiwali sa lahat, si Justice For Sale. Ang mga iyan ang dapat bitayin.

ALAM

CHERRY PIE PICACHE

ISA

JUSTICE DELAYED

JUSTICE DENIED

JUSTICE FOR SALE

LEO ECHEGARAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with