^

PSN Opinyon

‘Ang babaeng sinilid sa drum’ (Ruby Rose Barrameda Murder) (Huling bahagi)

- Tony Calvento - Pilipino Star Ngayon

SAAN na pupunta ang kasong ito ngayong sumibat na si Montero sa ‘safe house’? Anong timbang ang ibibigay ng prosecutor o depensa sa ginawa niyang pagbawi ng naunang salaysay?

SA PAGPAPATULOY ng seryeng ito… tungkol sa brutal na pagpatay kay Ruby Rose Barrameda-Jimenez basta na lang lumayas ang ‘eye witness’ ng kaso na si Manuel Aya Montero at gumawa ng salaysay ng pagbawi.

Nag-iwan din ng sulat si Montero sa safe house bago pa siya sumibat. Base sa sulat nung Marso 2013:

Sa lahat ng kinaukulan,

Patawarin po ninyo ako sa ginawa  kong pag-alis sa campo gusto ko rin pong ipaalam sa inyo na ang pag-alis ko ay sarili kong desisyon at kagustuhan. Huwag naman po sana idamay ang mga taong walang kinalaman sa ginawa kong ito. Nagpapasalamat din po ako sa napakahusay at maayos  na pangangalaga sa akin ng mga kapulisan ng RPIOU sa pamumuno po ni Col. RONALD OLIVER LEE. Inuulit ko po, walang sinumang kapulisan ang may kasalanan sa aking pag-alis, bagkus ito ay sarili kong kagustuhan at personal po ang dahilan.

Muli po akong humihingi ng tawad at labis po akong nagpapasalamat sa inyong lahat na tumulong at nangalaga sa amin habang kami ay nasa pangangalaga ng RPIOU.   

Gumagalang,

Manuel Montero

Gustong malaman ng mag-amang Robert at Rochelle Barrameda ang mga ligal na hakbang maari nilang gawin. Ika-7 ng Agosto 2014, nang magpunta sila sa aming tanggapan.  

Itinampok namin ang mag-amang Barrameda sa ‘CALVENTO FILES’ sa radyo. Ang “HUSTISYA PARA SA LAHAT” ng DWIZ882KHZ (Lunes-Biyernes mula 2:30-4:00PM at Sabado 11:00-12:00NN).

SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, ang pagbawing ginawa ni Montero dahil ang kaso ay nasa korte na dapat ay sinumpaan niya ito sa isang prosecutor at ang prosecutor na ito naman ay isusumite ito sa hukuman para siya ay maiupo sa ‘witness stand’ at dun matanong ng prosecution kung bakit niya ginagawa ito?

Ipaliwanag din sa kanya na ang una niyang ginawang salaysay na sinumpaan din niya ay maari siyang kasuhan ng ‘Perjury’ o pagsisinungaling matapos manumpa.

Pati ang Judge ay pwede rin siyang kwestyunin dahil kadalasan ang mga Salaysay ng Pag-ayaw (Affidavit of Desistance) o Salaysay ng Pagbawi ay hindi tinatangap o sinisimangutan ang mga ganitong pangyayari dahil kadalasan pinaniniwalaan na ito’y napagplanuhan lamang at nangyari ito dahil nagkabigayan ng pera o napangakuan ng malaking pabuya kapag ginawa ito ng isang partido o testigo. (The court frowns on affidavit of desistance and recantation because it is believed that it is an afterthought and money change hands between parties that’s why it was initiated).              

Ang salaysay ng pagbawi ay notaryado at binigay lang ng kanyang asawa sa RTC, Malabon-Branch 170 at tinanggap daw ito ng In-Charge of the Criminal Case Zenaida Salongga nung ika-12 ng Marso 2013. Hindi siya naiupo dahil bago magkaroon ng pagdinig umalis na siya sa Camp Bagong Diwa.  Magmula nun hindi na nagpakita pa si Manuel Montero o nagparamdam man lang.

Sa kabilang banda, nakapagtataka kung bakit ‘di nagtugma ang DNA testing na sinagawa sa mag-asawang Barrameda at sa bangkay ni Ruby Rose? Ang sabi ni Rochelle dahil sa ito’y nasira na raw ang mga ‘tissues’ subalit hindi naman pwedeng masira ang mga buto. Kung saan maaring kumuha ng ‘sample’ at ikumpara dun sa DNA ng magulang.

Karaniwang nakikita natin ito sa mga kaso kung saan nagkakaroon ng matinding delubyo tulad ng bagyo sa Leyte (Yolanda) na hindi nakikilala ang katawan ng tao. Sa isang sunog kung saan naabo na ang buong katawan at tanging buto na lamang ang natitira.  Ang DNA ay nagiging epektibo sa pagkakilanlan kung sino o kung kanino ang mga labing yun. Sa kaso ni Ruby Rose, ang kanyang dental records ang ginamit at nagtugma naman.

Nasaan na si Montero ngayon? Maraming haka-haka na maaaring siya’y nagtatago sa probinsya sa Ilo-Ilo at meron ding mga kwento na ang kanyang pamilya ay nakapagpatayo na ng isang malaking bahay sa Cavite subalit nasaan na si Montero? Karamihan, may mga naniniwalang patay na rin daw ito. Pero ang aking personal na pananaw sa galing ng mamang ito at ang kanyang kaalaman sa mundo ng krimen kaya niyang magtago at mahihirapan siyang matagpuan.

Hindi naman siya tatanga-tanga  at pabaya na lulutang ng ganun na lamang para mailigpit ng panghabambuhay. ‘Dead men tell no tales’, ibig sabihin niyan kapag patay ka na, tahimik ka na.

Pero gaano ka tatagal sa iyong pagtatago bago ka mahanap kung talagang ipatatrabaho ka? Dalawang taon, tatlong taon, apat na taon? O baka naman sa isang linggo lamang ay makita ka na at maaga mong makilala si kamatayan at tanggapin ang bukas ng pintuan ng impyerno? Hindi pa huli ang lahat nasa witness protection order ka pa rin, maaari kang bumalik para ituwid ang anumang baluktot na iyong nagawa. Kapag ‘di nangyari ito dahil sa paglabag mo sa kanilang alituntunin mapipilitan silang tanggalin ka bilang ‘state witness’ at maging ordinaryong miyembro ng mga akusado sa kaso ni Ruby Rose Barrameda. Kapag nangyari ito, sama-sama na silang maghahanap sa’yo.

SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal magpunta sa 5th floor CityState Centre bldg.  Shaw Blvd., Pasig. O magtext sa 09213263166, 09213784392, 09198972854.  Landline 6387285 / 7104038. O mag-message sa www.facebook.com/tonycalvento

Hotlines: 09213263166, 09198972854

Tel. Nos.: 6387285, 7104038

AFFIDAVIT OF DESISTANCE

BARRAMEDA

CAMP BAGONG DIWA

KUNG

MANUEL MONTERO

RUBY ROSE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with