^

PSN Opinyon

Bad example

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. - Pilipino Star Ngayon

WALANG natutuwa sa patuloy na pagpapakipot ni P-Noy sa isyu ng pag-amyenda ng Saligang Batas. Una’y dahil hindi katanggap-tanggap sa tao ang pagmanipula ng Konstitusyon para sa pansariling interes ng isang tao. May mga probisyon sa Saligang Batas na nagbibigay karapatan sa may poder na taasan ang sweldo o dagdagan ang kapangyarihan basta lang umepekto ito pagnatapos na ang kanilang termino. Sa madaling salita, ayaw ng taumbayan na gamitin ang posisyon upang biyayaan ang sarili.

Gaano man kasinsero ang intensyon ng Pangulo, pa-ngit pa rin ang dating sa tao ng kanyang pag-‘teka-teka”. Huwag nating pag-usapan na lumalabas siyang kulang sa unawa sa batas o sa kumpiyansa sa sariling desisyon. Huwag na rin nating pasukin ang isyu ng pagkaiba niya sa magandang halimbawang iniwan ng kanyang ina. At huwag na nating tingnan na medyo may kayabangan ang posisyon na tanging siya lamang ang may kakakayanang mamuno. Ang ating pagtutol ay pagkilala sa isang mahalagang prinsipyo na siya ring puno ng kampanya laban sa political dynasties – ang prinsipyo ng equal opportunity for public service. Ang katotohanan ay mayorya ng Pilipino ay kontra sa anumang hakbang na magpalawig ng termino lampas sa itinakda ng Saligang Batas. Nasubukan na iyan sa panahon ni FVR at maging kay GMA. Si Cory nga ay tahasang isinuka ang ganyang mga panukala at sinabing mas mahalaga ang mga institusyon ng demokrasya kaysa sa kaninumang anak ng diyos.

Tama si Cory  – bahagi ng kagalingan at “pagkatuwid” ng isang leader ang kapasidad na magbitiw sa kapangyarihan sa takdang oras at respetuhin ang proseso ng batas.  Kapag naumpisahan nga naman ang ganitong ehemplo, sino ang magsasabi na ang kasunod na mamumuno ay hindi gagaya? At kapag na-extend na nang minsan, bakit hindi na ituloy-tuloy ang ekstensyon hanggang kamatayan? Hindi sobra ang ganitong mga suspetsa. Sariwa pa sa ating kaisipan ang naging halimbawa ng mga naunang sumubok na at nabigo.

Ang pangalawang tinutukoy na dahilan ni PNoy para sa Charter Change ay dahil nais niyang hadlangan ang “panghihimasok” ng Hudikatura sa kanyang mga pagkilos bilang Pangulo. Tatalakayin ko ito sa susunod na column. 

 

CHARTER CHANGE

GAANO

HUDIKATURA

HUWAG

KAPAG

KONSTITUSYON

PANGULO

SALIGANG BATAS

SI CORY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with