Mahihirap ang biktima

Kawawa ang ating mga mamamayan

pinapatay sila hindi sa digmaan;

mabuti marahil magkagyera na lang

masawi man sila’y bayani ng bayan!

 

Akalain mo bang sa maraming pook

kababayan nati’y parang nauubos;

sa bayan at nayon daming nalulugmok

pawang pinapatay ng masamang loob!

 

Sa mga lansanga’y ating makikita

marami nang buhay ang nangangawala;

ang mga biktima ay lubhang kawawa

mahihirap sila at makai’y wala!

 

Sa mga sasakyang bus saka jeepney

ay kinakalawit buhay nang marami;

kung walang makuhang alahas salapi

tao’y sinasaksak walang dilidili!

 

Mga negosyante’t naghahanapbuhay

na luha at dugo kanilang puhunan;

pinapatay pa rin sa mga lansangan

ng riding-in-tanden na mga upahan!

 

Pero ang mahirap dahil walang yaman

naglalakad lamang sa mga lansangan

hindi alintana kanyang kabuhayan

nasasalubong n’ya’y itong kamatayan!

 

Di pa nagtatagal ang trabaho’y driving

na ang tanging baon ay ulam at kanin -

ito’y walang yaman nagdidildil-asin

hinoldap pinatay ng apat na sakim!

Show comments