^

PSN Opinyon

Doctor, pinatay ng pasyente dahil lumubha ang sakit

SABI NI BUBWIT… - Deo Calma - Pilipino Star Ngayon

ALAM n’yo bang nagalit at pi­natay ng isang pasyente ang kanyang doctor dahil pinalubha umano ang kanyang sakit? 

Ayon sa aking bubwit, happy birthday muna kay Dra. Gina Nepomuceno, Engr. Mon Quijano, Noli dela Cuesta, Philip Mateo, Boy Briones, Belinda Laguesma, Mary Grace Magbanua at Bro. Nestor Rivera.

Alam n’yo bang pinatay ng isang  pasyente ang kanyang sariling doctor dahil lalong grumabe ang kanyang sakit nang ito ay operahan?

Ayon sa aking bubwit, ang negosyanteng pasyente ay nagpa-check up sa doctor dahil sumasakit ang kanyang likod. Nang maeksamen ng doctor ang pasyente ay sinabihan siyang operahan.

Dahil sinabi ng doctor na maari siyang maparalisa kung hindi siya agad maoperahan, natakot ang pasyente kaya pumayag na maoperahan kaagad.

Kaya lang, makalipas ang ilang linggo ay bumalik ang pasyente kay Doc. Siya ay nagreklamo dahil lalo siyang nahirapang maglakad, lalong sumakit ang kanyang likod.. At kailangan pa niyang gumamit ng saklay.

Tsinek-up ulit ang pasyente at iminungkahi ng doctor na meron pang dapat ayusin sa kanyang likod at kailangan ulit na moperahan.

Ayon sa aking bubwit, sa kagustuhan ng pasyente na gumaling, pumayag siyang operahan ulit sa ikalawang pagkakataon. Makalipas ulit ng ilang linggo, bumalik na naman sa ospital at nagreklamo na ang pasyente.

Kasi, matapos ang ikalawang operasyon sa likod ay lalo itong lumubha. Kung noon ay nakakalakad pa gamit ang saklay, ngayon ay hindi na makalakad at ito ay naka-wheel chair na.

Nang muling i-tsek up ang pasyente, sinabi ng doctor na dapat daw operahan ulit sa ikatlong beses,  at ito ay ang kanyang spinal column naman.

Iniskedyul ang operasyon at nang bumalik ang pasyente sa ospital habang sakay sa kanyang wheel chair. Nang sila ay magkita  biglang binaril ng pasyente si Doc at saka nagbaril naman sa ulo ang pas-yente. Pareho silang namatay.

Ang doctor na pinatay ng kanyang pasyente ay si Dr. Cris Chan Abbu ng Sacred Heart Hospital sa Cebu City at ang pasyente naman ay si Mr. Wilfredo Sabonsolin ng Bgy. Guadalupe, Cebu City.

 

AYON

BELINDA LAGUESMA

BOY BRIONES

CEBU CITY

DOCTOR

DR. CRIS CHAN ABBU

GINA NEPOMUCENO

KANYANG

NANG

PASYENTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with