^

PSN Opinyon

Teroristang Bokawe

- Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

GUSTO ko nang maniwala na naglulubha ang problema ng kahirapan sa Pilipinas. Bakit?

Kasi tila dumarami na ang nalilipasan ng gutom at tuloy tinotopak at nawawalan ng katinuan sa isip.

Kabilang dito ang mga kasapi ng isang terrorist group kuno na nalambat ng mga kagawad ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na may balak umanong pasabugin ang paliparan.

Sa unang araw nang pumutok ang balita, malaking istorya ito. Napasaludo pa nga ako sa NBI sa inakala kong malaking accomplishment. Kaso, nang busisiin ang sinasabing nasabat na sasakyang kargado ng mga “bomba” puro rebentador lang pala ang laman!

Ano ba iyan?

Ang motibo nila ay manligalig kuno upang ihayag sa pamahalaan ang kanilang disgusto sa malabnaw na  pagtrato ng pamahalaan sa ginagawang panduduro ng China sa Pilipinas.

Pero in fairness, may katuwirang madisgusto ang grupong ito dahil  sa kabila ng patuloy na intrusion ng China sa karagatang teritoryo natin ay mukhang hindi tayo makapag-react ng tama. Malamya tayo!

Ngunit sa isang banda, paanong kokomprontahin ng isang butiki ang isang nagngangalit na dragon? Ganyan lang tayo kumpara sa China na isang dragon. Butiki.

Isa pa, hindi lamang tayo kundi iba pang bansa ay dinuduro ng China. Pati ang Japan na maituturing nang maka­pangyarihang bansa.

Hindi ko malaman ang tunay na motibo ng grupo ng teroristang Bokawe na wala namang sandata maliban sa mga rebentador na pla-pla. Tila hindi sulit na masakote ka ng mga awtoridad ng gobyerno at kasuhan bilang mga terorista gayung mga rebentador lang ang bitbit mo.

Ang tawag sa grupong ito ay USAFFE na siyang pangalan din ng hukbo ng United States na nagtanggol sa Pilipinas noong panahon ng ikalawang digmaang pandaigdig.

Kung sanang nagprotesta na lang sila na may bitbit na mga placards, hindi pa sila mahuhuli at maipagsasakdal. Kahit pa rebentador lang ang kanilang dala-dala, maaari pa rin silang kasuhan. Kapag nakulong kayo, baka sa loob ng bilangguan kayo mag-NEW YEAR.

ANO

BAKIT

BOKAWE

BUTIKI

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

PILIPINAS

UNITED STATES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with