^

PSN Opinyon

Tukso, layuan mo ako

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. - Pilipino Star Ngayon

AKALA natin OK na nung SONA. Huminahon si P-Noy sa kabibira sa Supreme Court. Sa halip ay hinimok ang Kongreso na makiisa at makipagtulungan upang solusyonan ang  problema. Marami ang natuwa. Mayroon pa ngang humanga.

Naku, hindi pa pala tapos yun. Malalim talaga ang galit sa Korte. Sa tindi ng galit ay maging ang nalalabing pangakong hindi pa napapako ay isinugal na rin – ang pangakong hindi hahangad ng pangalawang termino. Para lamang, aniya, matapyasan ang Korte ng kapangyarihang ideklarang iligal ang mga akto at gawain ng Executive at Legislative Departments, payag na siya sa mga hakbang na amyendahan ang Saligang Batas. Wow.

Hindi tulad ng iba, tayo ay walang ilusyon na si P-Noy ay “immune from temptation”. Saksi ang kasaysayan na kahit sino mang maupo sa puwesto ay nasisilaw sa ning­ning ng walang katapusang paghawak ng kapangyarihan. Isa lang sa ating mga Pangulo ang hayagang tumanggi sa ganitong tukso. Aquino din ang kanyang pangalan.

Matapos niyang takutin ang Korte na paluluhurin ito sa kanyang paanan,  biglang nag-alala si P-Noy na baka walang makapagpatuloy ng kanyang inumpisahan. Kaya dapat lang daw na pagbigyan ang hiling ng taong bayan – ang kanyang mga boss – at siya’y patagalin pa sa puwesto. Tanging sa ganitong paraan mapagtatanggol ang “kalusugan” ng demokrasya.

Huwag na nating pag-usapan ang kayabangan ng posisyong ito – na parang siya lang ang may kakayanang mamuno. Ang mahirap tanggapin sa kanyang argumento  ay ang sabihin na masama sa demokrasya ang kapangyarihang taglay ng Supreme Court. Ang mahirap tanggapin ay ang kanyang pagbalewala sa limitasyon sa panunungkulan.

Ang independence ng Supreme Court at ang term limits ay dalawa sa haligi ng isang matagumpay na demokratikong pamamahala. Kung hindi malaya ang korte ay pikit mata itong tatango na lang lagi sa kagustuhan ng Ehekutibo. Kung walang term limits ay walang magsisilbing balakid sa pagkamal ng kapang­yarihan at sa pag-abuso nito.

Pasenysa na po, ginoong Pangulo. Pero sa tingin ng inyong mga boss, sa ginagawa niyong iyan, ang tunay na peligro sa kalusugan ng demokrasya ay kayo.

AQUINO

EHEKUTIBO

HUMINAHON

KORTE

LEGISLATIVE DEPARTMENTS

P-NOY

PANGULO

SALIGANG BATAS

SUPREME COURT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with