^

PSN Opinyon

Wika ng Pagkakaisa nitong Quezon Day

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

AGOSTO 19, kaarawan niya, ginugunita si President Manuel L. Quezon. At sa buong buwan ng Agosto ginugunita ang Pambansang Wika -- Filipino. Isinulong kasi ni Quezon ang paghubog ng isang wika na pag-iisahin ang mga Pilipino.

“Wika ng Pagkakaisa” ang tema ng selebrasyon sa taong 2014. Ani Chairman Virgilio Almario ng Komisyon sa Wikang Filipino, naisip nila ito dahil sa maraming kaganapan. Isa rito ang paglahok ng KWF sa pagpupulong ng gobyerno sa mga Lumad -- katutubo sa Mindanao.

Kasagsagan noon ng usapang pangkapayapaan ng gobyerno at ng Moro Islamic Liberation Front. Angal ng mga Lumad, purong Inggles ang teksto ng mga dokumento, kaya hindi nila maintindihan para makilahok sa usapan. Sana raw, isalin ito sa Filipino.

Batid ng mga Lumad na halaw ang Filipino sa Tagalog, Inggles, Kastila, maraming malalaganap na katutubong wika: Ilocano, Ibanag, Pangasinan, Zambal, Pampanggo, Bicolano, Bisaya, Waray, Hiligaynon, Maguindanao, Maranao, Taosug, Yakan, atbp. Naririnig nila ito na sinasalita at pinaghahalo, sa national radio at TV, sa mga awit at tula, at sa mga umpukang pampubliko.

Binabatikos ng mga purista ang paggamit ng Filipino, dahil pagdodomina umano ito ng mga Tagalog. Mali sila, ani Almario, isang National Artist (sa larangan ng Panitik). Katunayan nga, isang malaking proyekto ngayon ng KWF ay ang pagsasalin ng mga piling akdang pampanitikan at opisyal na dokumento sa iba’t-ibang wika sa Pilipinas. Masama ang pagpu-purista; hinahati-hati nito ang mga Pilipino.

Mabilis kaysa Filipino nahubog ng pambansang Bahasa Indonesia. Halaw ito sa 700 katutubong wika, kumpara sa 75 sa Pilipinas.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM). E-mail: [email protected]

ANI CHAIRMAN VIRGILIO ALMARIO

BAHASA INDONESIA

INGGLES

LUMAD

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

NATIONAL ARTIST

PAMBANSANG WIKA

PILIPINAS

PILIPINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with