^

PSN Opinyon

Brillantes, bibili pa ng 121,600 PCOS

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

HINDI lang ang pandadaya kay senatorial candidate at Christian leader Bro. Eddie Villanueva nu’ng Halalan 2013 ang dokumentadong kasamaan ng precinct count optical scanners (PCOS). Nakita sa tatlong clustered precincts sa dalawang barangay sa Gen. Tinio, Nueva Ecija na magkaiba ang PCOS municipal canvass at PCOS precinct tally -- na pawang mas mabababa kaysa manual recount na inutos ng korte.

Nu’ng Abril 2013 nagpa-manual recount din ang korte ng resulta ng mayoralty race sa Compostela, Cebu, nu’ng Halalan 2010. Lumabas na lamang nang mahigit 4,000 boto kaysa PCOS count ang natalong reeleksiyonistang mayor sa bagitong nanalo.

At sa Pasay City, Metro Manila, nu’ng Halalan 2013, nakita na mas marami nang halos 2,000 ang boto ng apat na kandidato para mayor sa PCOS tally, kumpara sa bilang ng mga balota ng PCOS din mismo.

Kaduda-duda ang PCOS. Ni hindi nito natapos ang bilangan nu’ng Halalan 2013. Huminto sa 56% ang PCOS precinct count, at sa 42% ang PCOS national canvass ng mga boto ng 33 senatorial candidates.

Pero nariyan si kaduda-duda ring Comelec chairman Sixto Brillantes, na ibebenta raw ang 86,200 PCOS machines ng Halalan 2010 at 2013, para bumili ng 121,600 na bagong voting machines para sa Halalan 2016. Kaduda-duda si Brillantes sa dalawang rason:

(1) Ibebenta na lang daw sa ibang bansa ang 86,200 lumang PCOS units dahil obsolete o wala nang pakinabang. Kung hindi ba naman siya hibang! E papano niya maibebenta ang PCOS machines kung sinisiraan niya ito. Para siyang nagbebenta ng kotse na pinangangalandakan niyang wala nang pag-asang mapaandar pa.

(2) Masyado siyang ganado bumili ng121,600 bagong machines sa halagang P13 bilyon, plus P8 bilyon sa incidentals -- gayong pa-retire na siya sa Comelec sa Pebrero 2015 o anim na buwan. Sa magkanong dahilang ang kanyang pagka-over-ganado?

ABRIL

COMELEC

EDDIE VILLANUEVA

HALALAN

KADUDA

METRO MANILA

NUEVA ECIJA

PASAY CITY

PCOS

SIXTO BRILLANTES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with