^

PSN Opinyon

Cutting trip

- Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

KAYA naman pala nagka-cutting trip ang mga pampasaherong jeepney sa Parañaque City ay dahil free for all na ang mga tricycle na bumibiyahe sa Quirino Avenue mula  Bgy. San Dionisio hanggang Tambo.  Ano nga naman ang pupulutin nilang pasahero kung kaagaw nila mismo ang mga tricycle.  Siyempre mas nanaisin pa nila ang mga cutting trip pagdating ng Victor Medina (dating Kabihasnan Street)  dahil lintik ang trapik na dulot ng mga tricycle pagdating sa La Huerta. Dito kasi pumipi­la ang mga tricycle na naghihintay ng mga pasahero na nagmumula sa palengke ng Parañaque, simbahan at exclusive school. Kaya ang agrabyado rito ay ang mga jeepney driver, estudyante at ang mga ordinaryong pasa­hero dahil nagiging doble ang kanilang pamasahe. Get n’yo mga suki? Kaya tuloy ang pinagbubuntunan ng aking mga kausap ay si Mayor Olivarez dahil siya ang may karapatan sa pag-regulate ng prankisa ng mga tricycle.

Ayon pa sa aking mga kausap na mga jeepney driver ang mga tricycle na pumapasada sa Quirino Avenue ay itong PKTODA, SDTODA, PPMTODA, DCR, PPTTODA, LAHDTODA, at SANTODA. Sila umano ang naghahari-harian sa Quirino Avenue sa ngayon kaya nagdudulot ito ng trapik. Madali naman umano itong makikita ni Olivarez kung lumabas lamang siya ng kanyang malamig na opisina. Baybayin lamang niya itong Quirino Avenue mula sa Victor Medina Street hanggang sa may kanto ng NAIA Road at tiyak na makikita niya ang mga abusadong tricycle driver. Diyan nga lamang sa kanto ng Quirino at NAIA Road sa Tambo ay mahaba ang pila ng tricycle na pinangangasiwaan pa mismo ng mga barangay tagay este barangay tanod. Ang masakit maging ang NAIA Road hanggang sa may kanto ng Roxas Boulevard ay pinapasok na ng mga tricycle.

Mayor Olivarez, paki-aksyunan nga po ang rekla-mong ipinarating ko sa inyo dahil baka dumating ang oras na magkaroon na naman ng aksidente sa naturang lugar ay tiyak na kapahamakan ng iyong mga constiuent ang malalagay sa alanganin. Isabay mo na rin sa pag-amoy sa mga basura sa compound ng Leonel Waste Management sa tabi ng toll gate ng Cavitex sa Bgy. San Dionisio. Kasi nga halos araw-araw na akong nakakatanggap ng reklamo hingil sa nakasusulasok na amoy na nagmumula sa depot ng Leonel. Kung sabagay hindi ka na mahihirapan sa pag-imbestiga sa nakakasusulasok na amoy ng basura dahil ang compound ng Leonel ay nasa kaharian ng iyong ama na si Barangay Chairman Pablo Olivarez na dati ring mayor ng Parañaque City. Kilos na at baka mapulitika ka na naman. Abangan! 

 

BARANGAY CHAIRMAN PABLO OLIVAREZ

BGY

KABIHASNAN STREET

MAYOR OLIVAREZ

QUIRINO AVENUE

SAN DIONISIO

TRICYCLE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with