^

PSN Opinyon

‘Pusang ligaw’

- Tony Calvento - Pilipino Star Ngayon

SA pagpatak ng ulan, babalik ang tunog ng halakhak. Tuwing iihip ang hangin… hahawak siya sa mga braso’t madaramang muli ang dating yakap na walang ‘sing higpit.

“Palaging mainit ang buong bahay pero hindi ko maipaliwanag ang lamig sa kwarto ko… pakiramdam ko lagi siyang nandun,” wika ni Nelia.

Larawang kupas ng 88 anyos na si “Ising” ang tanging bakas na naiwan kay Amelia “Nelia” De Guia, 65 anyos. Tuwing bubuhos ang ulan at tinititigan niya ito dun daw babalik lahat ng sakit.  

“Hindi ko alam kung nagkataon lang pero kapag umuulan dun siya nawawala,” sabi ni Nelia.

Aminado si Nelia na rebelde siya noon. Sa edad na 16 anyos nakisama siya sa ama ng tatlong na anak, si Carlos Lazaro noo’y 18 anyos.

Nagkakilala sila sa palengke ng Karuhatan, Valenzuela. May pwesto ng prutas dun si Nelia. Edad 16 anyos ang panganay nila ng maghiwalay sila.

Sa halip na ayusin ni Nelia ang kanyang buhay, naging pasaway siya at nabuntis. Nagkaroon ulit ng isa pang anak.

Taong 1985 nabalitaan niyang namatay sa sakit si Carlos. Mula nun natuon na ang panahon niya sa palengke. “Di ko na naisip makipagrelasyon,” ani Nelia.

Pumasok ang taong 1986… nakakila niya ang biyudong si Felicisimo De Guia o “Mang Ising” nasa edad 60 anyos nun. Dating Gerilya at retirado ng Meralco bilang ‘supervisor’. Si Ising din ang ‘manager’ ng kooperatiba ng Pag-asa Subd. kung saan nakatira si Nelia.

Araw-araw maningil si Ising sa katabing tindera ni Nelia. Pagtagal nagpamiyembro din siya sa kooperatiba at umutang dito.

Sa paniningil ng pautang naging malapit ang dalawa. Dumating sa puntong magkasama na silang dumadalo sa mga binyagan at kaarawan sa kanilang lugar.

Una pa lang sinabi na ni Nelia na meron siyang apat na anak. Naging tapat din si Ising sa pagsabing may pitong siyang anak sa namatay na asawa. Wala daw pormal na ligawan basta’t inaya na lang siya ni Ising na tumira sa bahay nito kasama ang dalawang anak niya at bunsong anak naman ni Nelia.

Malayo man ang agwat ng edad, maayos daw ang naging pagsasama nila. Nauwi ito sa kasalan nung taong 1991.  

Tumigil sa pagtitinda sa palengke itong si Nelia. Umasa na lang sila sa ‘pension’ na natatanggap ni Ising sa Philippine Veterans Affairs Office (PVAO) at Social Security System (SSS). Aabot ito sa Php9,000 kada buwan.

Sa pagtagal ng pagsasama nila Nelia… dahil halos kalahati ng kanyang edad ang tanda nitong si Ising, si Nelia ang unang nakasaksi sa unti-unting paghina ng katawan nito. Nagkasakit si Ising at nagsimulang mag-ulyanin.

Taong 2005, isang maulan na araw, nagpunta ng Makati si Ising, sa opisina ng PVAO. Maaga siyang umalis subalit umaga na siya nakabalik, bandang 1:00. Mula Makati, nakarating daw siya ng Alabang.

“Lakad ako ng lakad. Humihinto ako sa mga gusaling madadaanan ko gusto kong pumunta sa loob pero parang may pumipigil sa aking pumasok…” parang batang sabi daw ni Ising kay Nelia. Napansin ni Nelia ang pagkaisip bata ng mister. Pinatingin nila ito sa doktor. Sinabing dala ng katandaan ni Ising ang kakaiba niyang asta, nag-uulyanin na.

“Nung minsan siyang mawala hindi ko na siya tinantanan. Lagi ko na siyang sinusundan kahit saan siya magpunta,” kwento ni Nelia.

Ika-1 ng Nobyembre 2007, pauwi na ng sementeryo sa Dalandanan sina Nelia… maulan ang panahon…naunang pumunta sa inarkila dyip itong si Ising. Sinundo na sila ng dyip subalit wala sa loob si Ising. Inikot nila ang sementeryo, Sinuyod ang Malanday hanggang Gen. T. De Leon subalit wala dun ang asawa.

Kinabukasan bandang 5:00AM umuwi na lang si Ising sa kanila at sinabing naligaw siyang muli. Nakalimutan daw niya ang daan pabalik ng bahay.

“Nakatulog ako sa dyip. Nagising na lang ako sabi ko ‘Saan na ito?’. Nasa Malolos, Bulacan na pala ko sabi ng drayber. Mabuti’t hinatid niya ko hanggang sakayan pa-Monumento,” kwento daw ni Ising sa misis.

Kahit anong bantay kay Ising may pagkakataong nawawala ito sa paningin ni Nelia at naliligaw.  Nitong huli ika-4 ng Setyembre 2009, maulan ulit ang panahon,naghahanda sila papuntang City Hall ng Valenzuela ng lumabas si Ising.

Akala ni Nelia nag-aabang na ito sa kanto subalit paglabas ng subdibisyon, wala na si Ising.       

May kapitbahay na nakapagsabing nakita niyang naglalakad ito sa direksyon papuntang City Hall. Agad nila ito hinanap pero bigo silang makita ito. Hinintay ni Nelia ang pag-uwi ni Ising kinaumagahan subalit wala ng Ising na bumalik… dumaan ang mga araw, buwan at lumipas ang ilang taon ‘di na ito nagpakita pa. Hindi na nila alam kung saan ito napadpad.

Ipana-‘blotter’ nila si Ising sa pulis bilang ‘Missing Person’ mula taong 2009, 2010, 2012 at 2013.

Kasabay ng pagkawala ni Ising ang pagtigil ng mga benepsiyo sa PVAO at SSS. Mula taong 2009 inaayos na ito ni Nelia subalit hinihingian siya ng ng ‘Death Certificate’ ng asawa.

“Wala akong maiibibigay na Death Certificate … Ni hindi ko alam kung nasaan si Ising. Paano kung buhay pa siya?” ani Nelia.

Ito ang dahilan ng pagpunta niya sa aming tanggapan. Itinampok namin siya sa ‘CALVENTO FILES’ sa radyo. Ang “HUSTISYA PARA SA LAHAT” ng DWIZ882KHZ (Lunes-Biyernes 2:30-4:00PM at Sabado 11:00-12:00NN).

SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, sa kaso ni Nelia maglilimang taon pa lang nawawala si Ising. Kapag dumating ang pitong taon at ‘di pa rin nila ito makita maari nilang ideklara na patay na ang isang tao. Ito’y kapag wala kang komunikasyon, ‘di lumulutang at wala ng balita. Para bang pinagpapalagay na ito’y maaring pumanaw na (presumptive death).

Diretso namin tinanong si Nelia kung sa tingin niya buhay pa ang asawa. Minsan daw naiisip niya ito subalit umaasa pa rin siyang naligaw lang si Ising.

Pinayuhan namin si Nelia na subukang hanapin si Ising sa National Center for Health at baka dun niya ito makita. Sa ngayon ang tanging matutulong namin kay Nelia ay isulat ang istorya ni Ising at mailathala ang kanyang larawan.

Sa mga nakakakita o nakakaalam kung nasaan si Ising makipag-ugnayan lang sa aming tanggapan sa mga numero sa ibaba. (KINALAP NI MONIQUE CRISTOBAL) SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal magpunta sa 5th floor CityState Centre bldg.  Shaw Blvd., Pasig. O magtext sa 09213263166, 09213784392, 09198972854.  Landline 6387285 / 7104038. O mag-message sa www.facebook.com/tonycalvento

www.facebook.com/tonycalvento

Hotlines: 09213263166, 09198972854

Tel. Nos.: 6387285, 7104038

BRVBAR

CITY HALL

ISING

LANG

NELIA

NIYA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with