SI House Speaker Sonny Belmonte lang ang hindi nasangkot sa kasalukuyang nagbabagang issue ng pork barrel scam at iba pang usapin tungkol sa katiwalian. Halos lahat ng lider ng bansa ngayon ay may cloud of doubt sa kanilang integrity tulad ni dating Senate President Juan Ponce Enrile, mga senador na sina Bong Revilla, Chiz Escudero, Miriam Santiago, Tito Sotto at iba pa. Ganun din si P-Noy dahil sa mistula’y pagtatakip niya sa ilang miyembro ng kanyang Gabinete na nasangkot din sa pork barrel scam.
Isang taon na ang issue sa P10 billion pork barrel scam at marami nang pangalan ang nasasangkot pati ang dalawang dosenang kongresista ngunit ang paÂngalan ni Speaker Sonny ay nananatiling kumikinang at walang bahid.
Si Vice President Jojo Binay ay may question mark din hindi sa usaping pork barrel kundi sa issue ng katakawan sa kapangyarihan dahil mayor si anak na lalaki, senador si anak na babae, kongresista si anak na babae at dating mayor si misis na sa ngayon ay may kasong graft and corruption sa Ombudsman at di pinapayagang lumabas ng bansa ng walang permit.
Grabe na ito. Dating first lady at dating mayor ng Makati at ngayon ay first lady ng bise pangulo ng Pilipinas ay hindi makaalis ng Pilipinas ng walang permit? Kung sa bagay madalas mangibang bansa noon si Madam Elenita pero wala akong nabalitaan sa mga network ko of OFW leaders all over the world na may nadalaw man lang si Madam na stranded and abused OFWs sa iba’t ibang mga bahay kanlungan ng mga OFWs sa mga embahada.
Misis pa naman siya ng naturingang Presidential Adviser on OFWs. Marami ang nagtatanong kung ano ba ang alam ni Binay tungkol sa mga problema ng OFWs eh ni minsan hindi naman siya naging OFW?Ang sagot dyan ay katakawan sa pwesto. Kaya sa 2016, seryoso kong pinag-iisipan na iindorso si Speaker Sonny sa pagkapangulo, mukhang destiny niya ito.