HINDI utang na loob ng taumbayan ang mga nagawang reporma o na-“accomplish†ng isang taong gobyerno.
Mapagabinete man na iniluklok sa pwesto sa ehekutibo, lehislatibo maging sa hudikatura, inilagay kayo dyan sa paniwala at prinsipyong kayo ay karapat-dapat at marunong.
Marami kasi sa mga gabinete ng pamahalaan ang nasa maling estado ng pag-iisip. Akala nila ang sukatan ng trabaho, datus at listahan. Sa madaling sabi accomplishment report.
Paulit-ulit na parang sirang plaka ko nang tinatalakay sa aking programang BITAG Live ang maling senaryong ito sa pamahalaan.
Hindi na bago sa publiko na marinig mula sa mga nakaupo sa gobyerno ang kanilang mga nagawa na kung aanalisahin puro pagbubuhat ng bangko, matatamis na salita, pambobola at puro palapad-papel.
Malimit silang nakikipag-usap sa mga personalidad sa media. Nagpapa-interbyu. Ikinukwento ang kanilang mga kontribusyon at reporma kunong nagawa.
Nalilimutan yata nila na kaya sila inilagay sa pwesto ay para magtrabaho. Karapatan nila ang kumilos dahil ito ang pinaka-saysay ng kanilang “serbisyo-publiko.â€
Ang problema, marami sa mga gabinete, “epal.†Gusto laging laman ng balita, isang utot lang gusto nasa harap na ng kamera, may nakapasak na mikropono, nagpapapogi at nagpapabango para mapansin. Tsk...tsk!
Anuman ang sinasabing accomplishment o mga nagawa ng isang nagtatrabaho sa gobyerno, ito ay dapat nakikita, natatamasa, nalalasahan at nararamdaman, de kalidad hindi puro salita.
Dito nabubuo ni Juan Dela Cruz ang persepyon at tiwala, integridad at kredibilidad. Sila ang magsasabi, magpapatunay at magiging magaling na testimonya.
Ang hubo’t hubad na katotohanan, marami sa mga “public servant,†naghihintay na purihin at tapikin ng taumÂbayan sa mga kontribusyon at nagawa nila sa bansa.
Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV.