Hindi natumbok ni Kap Bong
SA kanyang privilege speech sa Senado noong Martes, inisa-isa ni Kap Bong Revilla ang mga problema raw ng bansa na dapat pagtuunan ng pansin ni P-Noy: Lack of livelihood; slow help to Yolanda survivors; widespread criminality; fixing NAIA; needs of the sick; power crisis; education; and hunger.
Kulang ang listahan ni Kap. Dapat sinama niya ang problema ng contractualization at corruption. Dahil sa contractualization, milyong manggagawa ay hindi umuÂunlad dahil tinatanggal sila sa trabaho matapos ang limang buwan. Kapag umabot na sila ng 35 anyos, hindi na rin nire-rehire dahil mas pinipili ng mga may-ari ng malls, restaurant chains, factories at iba pa ang mga mas bata.
At dahil hindi binabahagian nang sapat ang conÂtractuals ng fruits of the business ng ganid na employers, lalo silang yumayaman at ang iba sa kanila ay naging kahanay na nina Bill Gates at Warren Buffet sa Forbes List of the World’s Richest.
Hindi rin natumbok ni Kap ang problema ng corruption. Dahil sa corruption, bilyong pera na dapat tinutustos ng gobyerno para lumikha ng milyong trabaho ay binubulsa lamang ng ilang senador, kongresista, Cabinet member at iba pa.
Kaya mga kabayan, kung kayo ay jobless o underÂemployed o napipilitang mangibang bansa para maÂbuhay ang pamilya, walang ibang sisisihin kundi ang mga kawatang pulitiko at kawani ng gobyerno.
Matagal nang senador si Kap kaya dapat nagkaroon na siya nang malawak na national perspective. Pero bakit hindi niya tinumbok ang mga problema ng contractualization? Dahil ba siya ay may pinagkakautangang loob sa mga hari ng contractualization? At bakit hindi rin niya tinumbok ang problema ng corruption? Dahil ba corrupt din siya? I am disappointed Kap. Idol pa naman kita noon pero ngayon, hindi na.
Alisin ang Tanikala ng Kontraktwalisasyon, Korapsyon at Kahirapan (AtaKKK). To join please text and/ or email the following: 09177929584, 09287444473, 0928-7886514 and [email protected].
- Latest