^

PSN Opinyon

Pentecostes

GLORIFY THY NAME - Fr. Edd B. Lleva - Pilipino Star Ngayon

NGAYON ang kapistahan ng pagbaba ng Espiritu Santo. Sa unang pagbasa ay nakarinig ang mga taga-sunod ni Hesus ng isang ugong mula sa langit na animo’y mala­kas na hangin. Nakita nilang wari’y mga dilang apoy na lumapag sa bawat isa sa kanila at nagsimula silang magsalita ng iba’t ibang wika.

Ang araw na ito ang katuparan sa pangako ni Hesus bago Siya umakyat sa bahay ng Kanyang Ama: “Tandaan ninyo: susuguin Ko sa inyo ang ipinangako ng aking Ama, kaya huwag kayong aalis sa lungsod hanggang hind kayo napagkakalooban ng kapangyarihang mula sa itaas” (Lukas 24:49).

Sa muling pagkabuhay ni Hesus ay sinimulan Niya ang pagbati ng “Sumainyo ang Kapayapaan”. Ipinakita Niya ang Kanyang mga palad at tagiliran bilang tanda ng Kanyang pagsagip sa atin. Muli Niyang binati ang mga alagad ng ‘‘Sumainyo ang Kapayapaan’’ at hiningahan sila at sinabi, “Tanggapin Ninyo ang Espiritu Santo.” Ang kapayapaan ay regalo ng Panginoon. Tanggapin muna natin ang kapayapaan ni Hesus na magdudulot sa atin ng liwanag upang tayo ay mapatawad sa ating kasalanan.

Ang Espiritu Santo ang katuparan ng Kanyang pama- maalam. Sinabi Niya, “Ipadadala Ko sa inyo ang Espiritu Santo.”  Ang Ama ang lumikha sa atin na nagbibigay sa atin ng biyaya. Si Hesus ay nagkatawang tao, nangaral, nagpasan ng Krus at nag-alay ng buhay para sa atin. Ngayon naman ay nadarama natin ang Espiritu Santo sa pang-araw-araw nating buhay.  Espiritu Santo liwanagan mo po kami!

Gawa 2:1-11; Salmo 103; 1Corinthian 12:3b-7, 12-13 at Juan 20:19-30

* * *

Happy birthday Erick Ryan L. Remo

ANG AMA

ANG ESPIRITU SANTO

ERICK RYAN L

ESPIRITU SANTO

HESUS

IPADADALA KO

IPINAKITA NIYA

KANYANG

KANYANG AMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with