^

PSN Opinyon

Hihintayin pa bang lumala?

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

NASA Myanmar si President Aquino ngayon para sa 24th ASEAN Summit. At hindi na kailangang hulaan kung ano ang kanyang tatalakayin sa na­sabing summit. Kailangang umiral ang batas at ang pagtutulungan ng buong ASEAN sa pakiki-pag-ugnayan sa ibang bansa. Matagal nang may tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China, dahil sa agresibong pag-aangkin ng China ngayon sa mga islang matagal nang pinagtatalunan.

At ngayon, pinaiinit pa ng China ang sitwasyon. Nagsimula na silang maghanap ng langis sa bahagi ng karagatan na inaangkin ng Vietnam. Nagbanta pa na hindi sila dapat pinakikialaman, dahil wala silang obligasyon magpaalam kahit kanino at sa kanila naman ang buong karagatan. Natural, nanggalaiti ang Vietnam sa ginawa ng China. May masamang kasaysayan ang dalawang bansa. Nagkaroon na ng sagupaan sa karagatan, kung saan dalawang barko ng Vietnam ang pinalubog at ilan ding sundalo ang namatay. Dahil din sa pinagtatalunang bahagi ng karagatan. Ngayon, may aktibong paghahanap na ng langis, dahilan kung bakit inaangkin ng China ang lahat. Isipin na lang kung nagsimula na rin silang maghanap ng langis sa Scarborough at Ayungin Shoal!

Pero hindi naman buo ang ASEAN pagdating sa isyung ito. May mga bansa na tila kampi sa China, dahil may pangangailangan din sila sa higanteng bansa. Ayaw nilang banggain. May ilang bansa naman na may pag-aangkin rin sa ilang bahagi ng dagat, kaya ang interes lang nila ang mahalaga sa kanila. Sa ngayon, ang Pilipinas at Vietnam pa lang ang direktang apektado sa kasuwapangan ng China. At ang Pilipinas pa lang ang nag-angat ng reklamo sa United Nations, na tama namang gawin. Kaya kung ano ang magiging bunga ng summit na ito ay hindi pa matiyak.

Binabatikos na rin ng ibang bansa tulad ng US ang paghahanap ng langis ng China sa dagat. Pati na rin ang paggamit ng water cannon at paninindak sa mga barko ng Vietnam na rumes­ponde sa lugar na pinagtatalunan. Maraming protestang nagaganap na sa Vietnam. Umiinit na naman ang sitwasyon. Hihintayin pa bang lumala ito, o may papasok na para mamagitan sa mga nagbabangayan?

 

AYAW

AYUNGIN SHOAL

BANSA

BINABATIKOS

CHINA

DAHIL

PILIPINAS

PRESIDENT AQUINO

UNITED NATIONS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with