^

PSN Opinyon

Half-Moon Shoal pag-aari ng PH

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

TAMA ang paghuli ng PNP Maritime Command sa 11 mangin­gisdang Chinese sa Half Moon Shoal, sa dalawang punto:

• Dahil dayuhan, wala silang karapatan o lisensiya mangisda sa karagatan sa loob ng 200-mile exclusive economic zone ng Pilipinas, sa UN Convention on the Law of the Sea. Wala pang 62 miles (100 km) ang Half Moon mula Palawan; 750 miles (1,200 km) naman ito mula Hainan, pinaka-malapit na probinsiya ng China, na kasapi rin ng UNCLOS, kaya labas sa EEZ niya.

• Nanghuli at pumatay sila ng giant sea turtles. Labag ito sa UN Convention on International Trade in Endangered Species. Obligado ang bawat kasaping bansa, kasama ang Pilipinas at China, na kasuhan, ikulong, at mul­tahan ang sinomang lumalabag sa CITES. Nakalistang endangered species ang pawikan, kabibe, fan coral, dolphin, pating, mameng, ranga-ranga (cowrie na korteng kamay at maninipis na daliri ng tao, pati pangolin, o Philippine anteater, na paboritong nakawin sa Pilipinas ng Hainanese poachers.

Alam ng mambu-bully na China na nagkasala ang mangingisda. Kaya para magkunwaring inapi sila, ibina­lita ng official state news agency Xinhua na pinaputukan kuno at saka binihag ng mga armadong Pilipino ang mga magnanakaw na mamamayang Chinese.

Itigil na sana ng China ang panloloko sa mundo at pambubusabos sa mga kapit-bansa. Alam ng Beijing na walang batayan ang claim niya sa buong South China Sea. Mga Chinese intellectuals, academics, at scientists mismo ang nagsasabi, sa parami nang paraming university forums at Internet websites, na imbento lang ang sinasabing historic rights at ancient maps.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM). E-mail: [email protected]

ALAM

ENDANGERED SPECIES

HALF MOON

HALF MOON SHOAL

INTERNATIONAL TRADE

LAW OF THE SEA

MARITIME COMMAND

MGA CHINESE

PILIPINAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with