‘Biyenan pinagnasaan (?)’
MADALAS nating marinig ang salitang, “Wag po kuya!â€. Meron ding, “Wag bayaw!†o sa mga grabeng sitwasyon, “Wag po itay!â€. Bihira o wala pa kaming naririnig na ang sinisigaw, “Wag manugang!â€
“Nagising na lang daw siyang nakapasok na ari ko sa ari niya… habang nakaupo ako. Pupwede po ba iyon?†ani Kenneth.
Nagsadya sa aming tanggapan si John Kenneth Borlagon, 23 anyos. Nahaharap ngayon si Kenneth sa kasong ‘rape’ na isinampa laban sa kanya ni “Fely†(di tunay na pangalan), nasa edad 40--- ina ng dati niyang ka ‘live-in’.
Lumaki na sa Sta. Ana, Manila si Kenneth. Wala siyang kinagisnang ama at sila na lang ng ina ang magkasama, may sarili ng pamilya ang kanyang kapatid.
Sa edad na 13 anyos nagkaroon na siya ng girlfriend, si “Ericaâ€.
“Isang buwan lang kami naging. Nauwi na lang kami sa pagiging magtropa,†kwento ni Kenneth.
Sa 5th St., sa bahay ng isang kaibigan ang kanilang tambayan. Dito niya nakilala ang nakababatang kapatid nito na si Cristine Joy o “Tentenâ€.
Pinormahan niya ito. Naging sila taong 2009. Tanggap ang kanilang relasÂyon ng magulang niya at ina ni Tenten na si Fely, kung tawagin niya’y Mamu.
Taong 2010, nagsimula daw matulog si Tenten sa kanilang bahay. Nabuntis si Tenten, sa edad lang na 17 anyos nanganak siya.
“Patay na ang bata ng mailabas. Overdue raw,†ani Kenneth.
Parehong taon nabuntis ulit si Tenten at nagsilang ng babeng sanggol.
“Buntis pa lang ang asawa ko. Galit na sa amin si Mamu dahil pareho kaming walang trabaho at siya ang sumusustento,†ayon kay Kenneth.
Kabilang kalye lang ang layo ng bahay ng dalawa kaya’t minsan na kina Kenneth sila, minsan naman na kay Mamu.
Nung magtrabaho si Tenten, napadalas ang kanilang away.
“Nagseselos ako, pakiramdam ko may lalaki siya. Limang buwan ang anak namin ng maghiwalay kami,†ani Kenneth.
Nung una na kay Kenneth ang bata hanggang kunin ito ni Fely. Nakakalabas masok pa rin daw siya sa bahay nila Fely dahil salitan sila sa pag-aalaga ng bata.
Ika-7 ng Marso 2013, ika-22 kaarawan ni Kenneth. Nag-inuman sila sa 5th St., sa bahay ng tropa niyang si Ian. Kasama nila ang dalawang pang kaibigan.
Alas kwatro pa lang ng hapon inuman na. Habang nagtatagayan nakita ni Kenneth si Tenten na dumaan karga ang kanilang anak.
Tinawag niya ito at pinaupo sa tabi niya. Uminom din daw ito. Bandang 8:00 PM, umuwi si Tenten sa bahay para magpahinga. Siyang dating naman ng kanyang bayaw na si “Jeffreyâ€, bitbit ang pancit palabok.
“Hinati ko yun sa dalawa at inihatid ko sa mag-ina ko,†kwento niya.
Inaya raw niyang uminon si Erica at sinasamang muli si Tenten subalit tumanggi ang mga ito kaya’t bumili na lang siya ng isang red horse na solo at binigay sa asawa ni Erica na si “Bumbayâ€.
Bumalik si Kenneth sa 5th St., at tinapos ang inuman. Bandang 10:00PM lumipat sila sa bahay nila Tenten. Kasama niya si Jeffrey at ‘Jonathan’.
Alas Onse ng gabi, sa bahay na ni Kenneth ang inuman. Kasama na niya nun si Erica at Bumbay, Jeffrey, Jonathan, Tenten at isa pa nitong kaibigang babae. Pasado 12:00 ng umalis si Tenten at kaibigan. Na sa ibang bahay na daw umuuwi.
“Hinatid ko rin sina Bumbay at Erica sa may labasan… pauwing Tenement kung saan sila tumutuloy,†kwento ni Kenneth.
Nang matapos ang inuman, naisip ni Kenneth na kunin ang anak sa bahay nila Fely. Pagpunta raw niya dun, patay na ang ilaw at walang sumasagot. Hindi naman daw naka-‘lock’ ang pintuan kaya dumiretso siya sa loob.
Naabutan niyang nakahiga sa sala si Fely katabi ang apo at apat na batang anak daw nito sa kinakasama na noo’y nagbabantay sa kanilang bilyaran.
Kinuha niya ang anak. Karga na niya ang bata ng magising daw itong si Fely at sinabing, “Saan mo dadalhin ang bata? Paano ka nakapasok dito?! ‘Wag mong dalhin yan. Ibaba mo!†sabay taboy kay Kenneth at sara ng pinto.
Kinabukasan, pumunta si Kenneth sa Zambales at sumama raw sa isang Youth Camp. Dalawang araw ang tinagal niya dito.
Pagbalik niya, kalat na raw ang balita, may naghahanap sa kanyang mga pulis at hina-‘haunting’ daw siya ng asawa ni Fely dahil ginahasa umano niya ito.
Nireklamo ni Fely sa Prosecutor’s Office, Manila. Sumipot sa pagdinig at nagbigay ng Kontra-Salaysay si Kenneth. Habang dinidinig ang kaso, maayos pa umano na nahahatid-sundo niya ang anak kina Fely na parang walang nangyari.
Nagkaayos din daw sila ni Tenten. Nitong huli Enero 2014, nagkasama silang sa inuman at sinaktan daw ng isa nilang kaibigan si Tenten. Nagreklamo ng Physical Injuries sina Tenten. Sa halip na tumestigo sa asawa, sa kaibigan kumampi itong si Kenneth dahilan para magalit daw muli itong si Fely.
“Pakiramdam ko, ito ang dahilan kaya niya ko tinuluyan. Nalaman ko na lang may warrant na umano ako,†ani Kenneth.
Base sa kopya ng resolusyon na inilabas nung ika-3 ng Mayo 2013 ni Prosecutor Ma. Theresa Basilio, para sa isang patas na pamamahayag, base sa salaysay ng biktima: natutulog siya ng biglang maramdamang may masakit sa kanyang ari at parang may aring nakapasok dito. Nakita na lang niyang nakapatong na sa kanya si Kenneth habang nakapasok na ang ari nito. Tumayo siyang bigla at tinulak ito palayo. Sinubukan pa raw nitong kunin ang apo subalit pinigilan niya. Habang palabas, narinig pa raw niyang humingi ito ng tawad sa kanyang nagawa.
Nakitaan ng taga-usig ng ‘probable cause’ ang kaso para maiakyat sa korte.
Lahat ng ito, tinatanggi ni Kenneth. Dahilan para mapunta siya sa aming tanggapan. Huling balita niya nalabasan na umano siya warrant of arrest.
Itinampok namin si Kenneth sa ‘CALVENTO FILES’ sa radyo. Ang “HUSTISYA PARA SA LAHAT†ng DWIZ882 KHZ, AM BAND (Lunes-Biyernes mula 2:30-4:00PM at Sabado 11:00-12:00NN).
SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, sa isang rape case kung saan ang biktima at ang akusado lang ang nandun, mas kinikilingan ang direstong pahayag at salaysay ng biktima. Parang ipinagtabi mo ang pagtanggi (alibi) at diretsong akusasyon (positive assertion) kung saan mas matimbang ang huli.
Mayo 2013 pa lumabas ang resolusyon kaya’t hindi na maaring mag Motion for Reinvestigation si Kenneth. Pinayuhan namin siya mag-file ng Petition for Bail para malaman kung gaano kabigat ang kaso laban sa kanya. Kapag nakumbinsi niya ang hukom sa mga sinasabi niyang motibo kaya ginagawa ito ng kanyang biyenan, bibigyan siya ng pagkakataon na makapagpiyansa para sa pansamantalang kalayaan. Kahit ‘di niya kaya bayaran ang piyansa, maaari niya gamiting batayan ang desisyon ng kagalang-galang na hukom sa kanyang depensa. Kailangan lang niya sumuko at ang kanyang abogado sa kasong ito na malamang mula Public Attorney’s Office ang maaring maghain ng petisyon na iyon. (KINALAP NI MONIQUE CRISTOBAL) SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal magpunta sa 5th floor CityState Centre bldg. Shaw Blvd., Pasig. O magtext sa 09213263166, 09213784392, 09198972854. Landline 6387285 / 7104038.
- Latest