‘Agawang kendi para sa baby’
PARA sa isang bata na wala pang sapat na kaalaman sa batas hindi nila masyadong pinoproblema ang kanilang kinabukasan dahil ang iniisip nila ay ang ngayon lamang.
Larawan sa itaas ng altar katabi ng tinirik na kandila, krus at alay.
“Ang taba na ni Jhong,†sabi ni ‘Imelda’ ng makita ang litrato ng asawa.
Ilang sandali pa pinaliwanag ni Rhoda kung bakit nasa altar ang mukha ni kapatid. “Wala na si Jhong! Patay na siya,†ani Rhoda.
Hindi makapaniwala ang misis kaya,mabilis na nilabas ni Rhoda ang mga litrato ng bangkay ng kapatid. Tapyas ang kaliwang mukha, malalaÂking tahing nakapalibot sa tiyan at malalalim hiwa sa iba’t-ibang parte ng katawan. Sa lagay na ito, halos magkalasug-lasog na… naayos na raw ang bangkay ng kapatid.
“Kung nakita niyo nung una itsura ni Jhong, yung mukha niya wasak na wasak. ‘Di na mailarawan, halos wala na siyang mukha,†ani ‘Rhoda’.
‘Di akalain ni Rhodora ‘Rhoda’ Caasi-Gaddi, 44 anyos na susunduin nila ang kapatid na si Federico Caasi Jr. o “Jhong†na nakakahon na.
Sampung taon na umanong hiwalay sa asawa si Jhong subalit hindi napawalang bisa (annulled). May tatlong silang anak ni Imelda Sansan-Caasi.
“Mula ng naghiwalay sila ilang beses na nilang tinapon sa sapa ang mga bata. Pareho pa silang iresponsable nun kaya’t kinuha na namin ang dalawa. Ang bunso napunta sa nanay,†ayon kay Rhoda.
Taong 2007 ng magpunta sa Dubai si Jhong bilang ‘welder’. Walong buwan lang ang tinagal niya rito. Pinagpatuloy ni Jhong ang pagwe-welding hanggang matulungan siya ng ahensyang WHESSOE Philippine Construction, Inc. na makapunta sa Africa nung taong 2011.
Isang taon ang kontrata niya sa CMI Italia sa Hydrothermal Power Plant, isa umanong proyekto ng gobyerno ng Aftrica kung saan guÂmagawa sila ng butas (tunnel) sa bundok para dun tumapon ang tubig at maging kuryente.
Welder din dito si Jhong, P30,000 ang kita niya kada buwan.
Nobyembre 2012, tapos na sana ang kanyang kontrata ng pina- ‘extend’ pa raw siya. Nagpatuloy sa trabaho itong si Jhong.
“Mahirap daw ang pinapagawa sa kanila dun. Kailangan pa raw nila pabagain ng 360 degrees ang bakal bago i-welding. Sobra init tapos paglabas naman nila ng tunnel nagyeyelo,†kwento ni Rhoda.
Oktubre 30, 2014, sinabi ni Jhong na Nobyembre 2013 balik Pinas na siya.
Ika-4 ng Nobyembre 2013, tumawag ang Whessoe kay Rhoda. Nakausap niya si Marilag Ricarde at pinagre-‘report’ siya sa opisina araw ng Lunes.
Dumating ang takdang araw panay na ang tawag ng Whessoe kay Rhoda.
“Ikaw na lang ang inaantay dito…†sabi raw sa kanya.
Napilitang pumunta si Rhoda sa ahensya. Pagdating dun tanong sa kanya, “Ilan ba ang anak ni Jhong?†Sumagot si Rhoda, “Dalawa po…†(Tinukoy niya daw ang dalawang batang nasa kanila).
Sinabi ni Evelyn Cabug, Finance and Admin Manager na may aksidenteng nangyari sa trabaho ni Jhong. Nabagsakan ito ng platform habang nasa loob ng tunnel. Nasa 8,000 kilos daw ang bigat nito.
Kwento kay Rhoda, ika-31 ng Oktubre 2013, 9:00 AM kakasimula pa lang ng trabaho nila Jhong sa tunnel ng mawalan ng control ang ‘platform/scaffolding’ na may sakay na pito pang trabahador.
“Nadisturungka daw ang kabitan ng scaffolding. ‘Di daw naisarang mabuti. Nang ioperate mabilis itong bumagsak kina Jhong,†kwento ni Rhoda.
Labing tatlong trabahador ang nahulugan nito. Anim sa kanila patay, tatlong pang Pinoy at tatlong Africans.
Ika-09 ng Nobyembre 2013 naiuwi ang bangkay ni Jhong. Dinala ang kanyang labi sa kanilang probinsya sa Pangasinan.
Nakatanggap ng personal na abuloy mula sa mga kasamahan sa Africa ang pamilya Caasi. Ang Whessoe naman ang sumagot sa pagpapalibing.
Pagbalik nila sa ahensya sinabing makakatangap ng Accident Insurance si Jhong mula sa Fortune Life. Wala naging problema sa insurance at ni-release raw ang tseke sa Whessoe na nagkakahalaga ng Php320,000 kada isa.
Ayon umano kay Evelyn, kailangang ilagay ito sa ‘trust fund’. Makukuha lang ito ng mga bata tatlong bagsakan, ‘pag silay nasa edad 18, 21 at 28.
“Lagi niyang sinasabi yung nanay baka magkahabol,†ayon kay Rhoda.
Hinanap ni Rhoda si Imelda. Marso 17, 2014 ng makita nila ito. Naabutan nila ang bunso nila Jhong at 2 anak ni Imelda sa bago nitong kinakasama.
Dinala nila si Imelda sa bahay nila sa Novaliches. Dito pinagtapat nilang patay na si Jhong. Sinabi nilang may makukuha ang dalawang anak ni Jhong bilang mga benepisyaryo sa insurance at kailagan siya para makuha ito.
Wala naman daw naging problema kay Imelda kaya’t agad niya itong binalita kay Evelyn. “Ma’am nahanap ko na nanay ng mga bata!†aniya.
Bigla raw nagalit si Evelyn. “Ano ba problemang binigay niyo. 100% pa mapupunta sa Nanay! Ililipat pa sa pangalan ng ina!†sabi umano ni Evelyn.
Mula nun hindi na umano sumasagot sa mga tawag ang Whessoe. Kaya nagpunta na siya sa aming tanggapan.
Itinampok namin si Rhoda at asawa nitong si Alfonso sa ‘CALVENTO FILES’ sa radyo. Ang “HUSTISYA PARA SA LAHAT†ng DWIZ882 KHZ, (Lunes-Biyernes mula 2:30-4:00PM at Sabado 11:00-12:00NN).
PARA SA ISANG PATAS na papamamahayag tinawagan namin si Evelyn subalit nag-‘lunch break’ daw ito. Hindi kami tumigil at si Marilag naman ang tinawagan namin. Sinabi nito nasa ‘airport’ daw siya kaya’t ‘di kami masasagot.
Kinapayam namin sa radyo Usec. Rafael Seguis ng Department of Foreign Affairs (DFA). Sinabi ni Usec. na pagdating sa iba pang benepisyo na maaaring matanggap ni Jhong sa mula sa pinagtrabahuhan kanilang aalalamin at ipaparating.
SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, nakapagtataka, nung una sinabi sa amin nila Rhoda na lahat ng anak ni Jhong ay nasa kanila at sila ang taga pangalaga (guardian) ng mga ito. Nung huli nabanggit niyang may isa pa itong anak na kay Imelda, ito marahil ang dahilan kung bakit ayaw ibigay ng ahensya ang tseke. Ganun pa man, kailangan malaman nila Rhoda kung sino ba ang nakalagay na benipisyaryo sa insurance ni Jhong. Kung totoo ngang ang dalawang bata lang na nasa kanila, kailangan pa rin nilang patunayan na sila nga ang ‘appointed legal guardian’.
Sinubukan namin na papuntahin sa aming opisina ang ina ng mga bata para malaman din ang kanyang panig sa usaping ito subalit ayon kina Rhoda ayaw ng makipag-usap ni Imelda sa kanila.
Ni-refer namin si Rhoda kay Deputy Commissioner Vida Chong ng Insurance Commission para kumuha ng kopya ‘insurance policy’ ng kapatid. (KINALAP NI MONIQUE CRISTOBAL) SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal magpunta sa 5th floor CityState Centre bldg. Shaw Blvd., Pasig. O magtext sa 09213263166, 09213784392, 09198972854. Landline 6387285 / 7104038.
- Latest