ANG tigas talaga ng ulo nila! Di pa rin natututo ang ilang mga draybers lalo na ng mga malalaking cargo trucks gaya ng 10-wheeler trucks at iba pang may karga na container vans.
Nitong mga nagdaang araw ay may ilan na ring vehicular accidents ang nangyari sa Diversion Road dito sa Davao City, partikular na sa may junction ng Maa Road. May ilan na rin ang namatay sa magkasunod na aksidente sa daan na kung saan ang nasasangkot ay mga 10-wheeler trucks.
May walong tao, kasali na ang pitong-buwang sanggol, ang namatay noong sinalpok ng isang 10-wheeler truck ang apat na iba pang sasakyan kasali na ang pick-up na lulan ang isang pamilya na galing sa Barangay Calinan at pauwi ng AWHAG Village.
At isang 10-wheeler truck na naman ang tumaob sa sumunod na araw sa eksaktong lugar kung saan nangyari ang aksidente na ikinamatay ng walong tao.
Napapansin na rin na tuwing may vehicular accidents dito sa Davao City nitong mga huling araw ay nasasangkot ang mga malalaking truck. Ilang tao rin ang namatay nang nawalan ng control ang isang cement mixer na dumadausdos pababa at nahagip ang mag-asawang sakay ng motorsiklo at iba pang nasa kalsada sa may kanto ng Diversion Road at Skyline Road noong nagdaang buwan.
Nangyayari ang mga aksidenteng ito sa daan na kung kalian pinapairal na ang 30-40-60-kilometer speed limit dito sa Davao City.
Sumusunod ang karamihan sa speed limit dito ngunit sadÂyang may mga drayber na ang titigas talaga ng ulo.
Sana mahinto na ang mga pangyayaring ito. Para sa mga drivers--huwag na kayong pasaway!
Happy Easter sa lahat!