‘Prostitusyon at droga sa resort’
DAGSAAN na ang mga bakasyunista at turista sa mga tourist spot at tourist destination sa bansa.
Patok na naman ang mga resort at beach. Ilan sa mga sikat at talagang dinadayo sa Pilipinas tuwing summer ang isla ng Boracay at Puerto Galera.
Bukod kasi sa mga magagandang tanawin, puting buhangin at sikat ng araw, nakikita nilang maluwag din ang mga awtoridad sa pagmo-monitor sa mga umiiral na patagong industriya rito. Kaya naman ang bentahan ng mga ilegal na droga at panandaliang-aliw talamak at namamayagpag partikular dyan sa Boracay.
Bantayan ang mga gurang na dayuhang turista na may kasamang mga bata na “balahibong pusa†pa kung tawagin. Makikita din dyan ang mga “bubot†pa na sadyang “ipinalalapa†ang kanilang mga sarili o hindi naman kaya ibinubugaw ng mga “mamasang†para makabingwit ng mga kustomer.
Pumapasok sila sa mga maliliit na lodging in at hotel kasama ang mga amoy-lupa ng foreigner. Ang mga kenkoy namang nagta-trabaho sa mga establishemento, pinipikitan nalang at ayaw silang tingnan. Basta ang maha-laga sa kanila, kumita ng pera. Kunwari may nakapaskil pa silang accredited ng Department of Tourism pero pinapa-yagan naman nilang mai-check-in ang mga unescorted o “for delivery†na mga 15, 16 at 17 anyos na babae.
Bantayan din sa mga beach at resort ngayong summer ang bentahan ng mga ilegal na droga. Ang mga waiter mismo ng ilang mga hotel at establishemento, alam kung saan kukuha ng suplay. Ito ‘yung mga shabu o “bato,†ecstasy at iba pang mga ilegal na droga na inihahatid at “inginunguso†nila sa mga parokyano.
Kaya sa mga magbabakasyon ngayong tag-araw sa Boracay man yan, Puerto Galera at iba pang mga tourist spot na talagang mabenta sa mga turista, bantayan ang ganitong aktibidades.
Maaari kayong magsumbong sa aming “Report Online†sa bitagtheoriginal.com, mag-email sa [email protected] o mag-text sa BITAG hotline sa 09192141624.
Ugaliin ding manood at makinig ng BITAG Live araw-araw tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV.
- Latest