^

PSN Opinyon

A Tale of Two PNP Officers

ORAMISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

NAGING talk of the town ang pagkakahuli ng PNP Task Force Tugis chief Senior Supt. Conrad Capa kay Global aquatic bossing Delfin Lee, ang sinasabing high profile criminal at  nasa most wanted list men sa Philippines my Philippines habang pakuyakoy-kuyakoy ito sa isang 5 - star hotel.

Ang naging usapin sa hulihan blues ay ikinatuwa ng madlang people specially yong mga naging biktima ni Lee sa kanyang pa - housing kuno!

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, para mabigyan ng promotion si Capa para mapabilis ang pagiging 1 star general ay inilipat ito ni CPNP Allan Purisima bilang PNP deputy director sa Cebu Regional Police Office na ikinagalit ng una sa huli.

Kaya naman kakapa-kapa ito ng mga sasabihin laban kay Prurisima?

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Sa madaling sabi ayaw ni Capa na maalis sa Task Force Tugis at lalong ayaw din niya na mapunta sa Cebu para sa bagong posisyon?

Bakit kaya?

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sabi ni Purisima ang pag-alis kay Capa sa TFT ay isang promotion at reward.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, long overdue na si Capa sa position nito sa Task Force Tugis at kailangan mailipat at maitalaga ito bilang deputy chief sa Cebu para sa promotion bilang chief superintendent.

Pero maingay pa rin si Capa at sinusundot si Purisima sa ibinigay nitong bagong assignment sa kanya.

Sa pangyayaring ito mismong si P. Noy bilang pa­nauhin pandangal sa PNPA graduation ay nagsalita ng ganito kahit wala siyang binanggit na pangalan ay alam ng mga opisyal at mga bisita kung sino ang pinatatamaan nito.  ‘Dito sa napakaingay na opisyal na ito, sabihin na nating magaling siya, siyembre ang tanong doon, maaasahan din ba? At tila nasa hot na... maaasahan natin siya kung natutuwa siya. Eh kung di siya natutuwa, hindi na siya maaasahan. Yun ba ang professional.’

Ayon pa sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ‘He goes out to media, says this and that, keeps quiet for a while and then goes back on a media tour and I really think that’s a disservice. Pinahamak niya yung institusyon na pagkatagal-tagal ng buhay eh pinaglingkuran niya,” dagdag ni P. Noy.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ganito rin ang nangyari at naranasan ni Chief Supt. Elmer Soria, na sinibak bilang Eastern Visayas Police Regional Director, ilang araw matapos manalasa ni Super Typhoon Yolanda sa Region 8.

Si Soria, ay tinanggal sa puesto matapos siyang magsalita na aabot sa 10,000 ang namatay sa Tacloban na biktima ni Yolanda.

Sabi nga, si Soria ay walang lapses o mistakes in his task and function. His only fault was that pronouncement. The leadership thought his figures were exaggerated and could cause undue panic.

Ika  nga ni C/Supt. Sindac, ang pagkakatanggal ni Soria ay hindi dahil sa statement nito sa media kung hindi dahil sa “acute stress reaction.”

Sabi nga, kailangan magkaroon ng ‘stress debriefing.’

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, si Capa ay galit ang pinairal sa pagtanggal sa kanya sa puesto samantala si Soria na isang mataas na opisyal kay Capa ay nanatiling tahimik lamang sa nangyari dito.

Sabi nga, walang media, walang interview, tahimik lang!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, the President’s reaction to Capa, amid the criticisms he earned for his tongue-lashing speech, is very much justifia­ble if only to emphasize the importance of professionalism and obeying the chain of command within the PNP.

ALLAN PURISIMA

ASSET

AYON

CAPA

CEBU

SABI

SORIA

TASK FORCE TUGIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with