SA dinami-dami ng mga administrasyong dumaan, hindi man lang nabigyan ng pansin, importansya, prayoridad at kahalagahan ang Philippine National Railways.
Simula pa noong panahon ni dating Pangulong Marcos hanggang sa papatapos ng termino ni PNoy, pinangaÂngambahang tuluyan ng mawawala at “mamamatay†ang PNR. Ito ‘yung tren na sinasakyan ng mga kababayan natin na nagta-trabaho sa Maynila mula sa mga karatig-probinsya.
Marami ng sumbong na nakarating sa BITAG tungkol dito. Maliban sa siksikan, halos magka-pulmonya at magka-pneumonia na ang mga pobreng sumasakay sa mala-pugon na tren ng PNR. Noon pang nakaraang taon at dati pa, sentro na ito ng aking talakayan sa programa ko sa radyo at telebisyon. Nitong mga nakaraang buwan, na-interview ko ang taga-pagsalita ng PNR na si Paul de Quiros
Sabi niya, tiis-tiis lang daw muna. Mag-tiyaga at magÂhintay lang ang mga pasahero dahil gumagawa na raw sila ng aksyon dito. Tipikal na sagot at pagpapaasa ng mga nakaupo sa gobyerno na kapareho din dyan sa mga reklamo sa MRT at LRT. Kung talagang susuriin, itong mga tren na ito, PNR, MRT at LRT ang magiging solusyon ng trapiko sa bansa.
Ito ay kung pagtutuunan ng pansin, atensyon at bibigyan ng importansya ng gobyerno ang de kalidad na serbisyo simula sa mga terminal, bawat bagon at buong operasyon. Malaki rin ang maitutulong nito sa paggalaw ng mga produkto sa komersiyo. Ito rin ang sagot sa turismo kung talagang pagagandahin lang ang operasyon ng mga tren.
Sa ibang mga bansa, napakahalaga ng mga tren. Para maging de kalidad ang kanilang serbisyo sadya talagang ipinapasok nila ito sa PPP o Public-Private Partnership program. May mga pribadong imbestor na hahawak sa pagsasaayos at pagpapaganda nito.
Ang problema kasi sa Pilipinas, marami sa mga naÂkaupo, iniluklok lang sa pwesto para mapangalaÂgaan ang “kulay†o partido. Kaya tuloy nabababoy ang serbisyo. Sa halip na serbisÂyo-publiko, ginagawang gaÂtasan nalang ang mga proyekto.
Ngayong buwan ng Hulyo, magtatapos na ang prangkisa ng PNR. Mayroong isinusulong na batas na i-extend o dugtungan pa ito pero hindi inilalagay sa estado ng “urgent†o agarang maipasa ito. Sa mga nakaupo sa gobyerno, tuÂmingin kayo ng diretso. Huwag ‘yung nakatuon kayo kung papaanong mangurakot, kumita at magpayaman habang nasa pwesto.
Ito naman kasing si Transportation and Communications Management Secretary Joseph Abaya, sa halip na isaayos ang kanyang ahensya, sumiÂsentro na sa pamumulitika.
Kaya kapag nagkawindang-windang, iisa lang ang paraan ng pagsagot, mapa-itaas man o ibaba. Kung hindi depensa, pagpapaasa, pagdadahilan at pangangatwiran mapagtakpan lang ang kanilang kahinaan at kapalpakan.
Ugaliing manood at makinig ng BITAG Live araw-araw tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV.