Pagmahal ng kuryente: Walang paparusahan?
SOBRANG mahal ng kuryenteng siningil ng power proÂducers nu’ng Nobyembre anang Energy Regulatory Commission. Nag-triple tuloy ang pass-on price ng Luzon distributors sa customers. Kaya, pinare-recalculate ng ERC sa producers ang makatarungang presyo, para mag-refund ang Meralco at iba pang distributors sa consumers.
Gan’un na lang ba ‘yon? Wala bang parurusahan sa pagpapabaya at pagsasamantala sa publiko?
Hindi lang refund kundi hustisya ang kailangan ng consumers. Ilegal ang profiteering na ginawa ng power producers. Multa at kulong ang dapat, para sila magtanÂda at hindi pamarisan.
Bakit ngayon lang -- nang magdemanda ang consumers -- nabatid ng ERC ang pagsasamantala? Bakit nito binale-wala ang angal ng distributors na sobra nang mahal ang singil ng producers? Kung tumupad ang ERC sa tungkulin, sana napigilan ang taas-presyo.
Pinagbibintangan ng administrasyon si ERC chairwoman Zenaida Ducut, mangmang na appointee ni dating President Arroyo. Pero collegial ang mga desisyon -- at pagkakamali -- ng ERC. Maysala kaya dapat ding patalsikin ang tatlong commissioners na appointee ng Malacañang.
Anang ERC, nag-overprice ang producers sa wholesale electricity spot market (WESM). Philippine Electricity Market Corp. (PEMC) ang nagpapatakbo ng WESM. Bagamat private ito, ang chairman ng PEMC ay si Energy Sec. Jericho Petilla. Reserbado para sa energy czar ang naturang posisyon para maipagtanggol ang interes ng consumers.
Sumablay si Petilla, pero hindi siya kinukutya ng ERC. SaÂmantala, nakikipag-party pa rin si Petilla sa mga nagsamantalang producers. ‘Yun ang dahil kung bakit walang producer o opisyal na pinaparusahan.
* * *
Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM). E-mail: [email protected]
- Latest