^

PSN Opinyon

Isang bagsak para sa DFA

- Roy Señeres - Pilipino Star Ngayon

TAMA ang panukala ng Department of Foreign Affairs na payagan na ang America  na magkaroon uli ng base militar rito sa Pilipinas. Sa mga pinapamalas ng China ngayon sa West Philippine Sea na teritoryo ng Pilipinas, maliwanag na walang plano ang dambuhalang bansang ito na tumupad sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS). Halata na gagamitan ng China ng primitibong paraan ang usapin para makamkam ang mga teritoryo ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

Ang tinutukoy ko na primitibong pamamaraan na iwinaksi na ng United Nations mula pa noong itinatag ito ay ang Hammurabian principle of “might is right”. Ang ibig sabihin lang nito ay wala ng marami pang satsat, kung kaya ng Pilipinas na pigilan ang China sa mga hinahangad nito sa West Philippine Sea, gawin niya, kung hindi ay tumahimik na lang siya, because the might of China will make everything right for it.

Kaya kailangan ng Pilipinas ang magkaroon ng ba-lance of power with China. Pero hindi kaya ito ng Pilipinas dahil sa napakaliit ng ating armed and police forces kung ihambing sa China. Kaya ang solusyon ay payagan na ang America, Japan, European Union, Australia, Vietnam, India, at iba pang mga armed forces ng Asean Region na magkaroon ng joint military bases sa Philipinas.

May economic benefits din naman ito, dahil papasok sa spending stream of the Philippine economy ang mga dolyar at iba pang mga foreign exchange kapag namimili na ang mga dayuhang sundalo at ang kanilang mga bumibisitang mga kamaganak at kaibigan ng lahat ng mga pangangailangan nila tulad ng mga pagkain, souvenir items, at iba pa. Money is the lifeblood of the economy ika nga. Ang mga perang gagastusin rito sa Pilipinas ay lifeblood na makakatulong sa ating bansa, tulad rin ng mga remittances ng mga OFWs.

ASEAN REGION

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

EUROPEAN UNION

KAYA

LAW OF THE SEA

PILIPINAS

UNITED NATIONS

UNITED NATIONS CONVENTION

WEST PHILIPPINE SEA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with