SINADYA kong gawing all capital letters ang “OCA†sa Caloocan dahil medyo komplikadong problemang kakaharapin ni Mayor Oca Malapitan sa binubuong daang mag-uugnay sa North Luzon Expressway (NLEX) sa Maynila. Ang problema ay yung mga tahanang masasagasaan ng binubuong highway.
Kung nagdaraan kayo sa R-10 na tumatahak mula Maynila patungong Navotas, Malabon at Caloocan mapapansin ninyo ang pagpapalapad ng daan at maraming mga residente ang inililikas ng tahanan. Maraming mga squatters o informal settlers ang apektado at sakit ng ulo ng pamahalaan kung saan ililipat ang mga ito.
Pati ang lungsod ng Caloocan ay apektado rin dahil sa ginagawang daang mag-uugnay sa NLEX sa R-10 kaya naman ang proteksyon ng mga maaapektuhang tahanan ang pinoproblema ni Mayor Oscar Malapitan.
Bumuo ang Mayor ng local inter-agency committee (LIAC) para tiyaking magkakaroon ng sapat na proteksyon at tulong ang mga pamilyang apektado ng NLEX Phase 2 at C-5 Link Segment 10 Project.
Sa Caloocan ay hindi lamang informal settlers ang tatamaan kundi may mga lehitimong may ari ng mga bahay at lupa kaya sana naman, kung sadyang masasagasaan ang kanilang mga tinitirhan ay magkaroon man lang ng sapat na kabayaran ang mga residente gayundin ng mapaglilipatan sa kanila.
Nilagdaan ni Malapitan ang Executive Order 034 na lumilikha sa LIAC para siguruhin ang maayos na expropriation sa mga apektadong lupain at magkaroon ng makataong relokasyon sa mga residenteng apektado.
Iyan palagi ang problemang kaakibat ng ano mang development projects. Talagang pag-iisipan mo kung paano maililikas ang mga residente nang hindi maaapektuhan ang kanilang kabuhayan.
Nauna nang nag-identify ng lungsod ang may 13 barangay na masasagaÂsaan kaya inilatag na ang plano para sa paglilikas ng mga residente. Harinawang maging katanggap-tanggap sa maraming residente ang planong ito para wala nang maganap na karahasan.