^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Babalik ang mga Kano?

Pilipino Star Ngayon

NAGIGING kontrobersiya ang Agreement on Enhanced on Defense Cooperation. Marami ang naniniwala na ang agreement na ito sa pagitan ng gobyernong Pilipinas at United States ay maghuhudyat sa pagbabalik ng American bases. Pero ang sabi ng Malacañang hindi raw magkakaroon ng US bases o babalik ang tropang Amerikano sa bansa. Ang bagong agreement daw ay pag-iimplement lamang sa general provisions ng Mutual Defense Treaty at ng Visiting Forces Agreement.

Lalo pang naging mainit ang isyu nang sabihin ni Sen. Miriam Defensor-Santiago na kaila-ngang busisiin ng Senado ang bagong agreement. Sinabi pa ni Santiago na ang pagpapakita ng war equipment ng dayuhang bansa ay hindi maliit na isyu. Dapat daw itong pag-usapan nang malaliman at kailangang makialam ang Senado. Iginiit naman ng Malacañang na hindi na kailangang dumaan pa sa Senado ang tungkol sa agreement. Sabi pa ng Malacañang hintayin na lang daw ng Senado ang kalalabasan ng agreement.

Hindi nga maliit na isyu ang tungkol sa Agreement on Enhanced on Defense Cooperation. Dapat itong mabusisi sapagkat baka isang umaga, ay magising na lamang ang mamamayan na nakatayo na naman ang mga base ng Amerika sa bansa. Tama lamang ang sinabi ni Santiago na ang pagpapakita ng mga kagamitang pandigma sa ating bansa ng dayuhan ay hindi dapat isantabi. Kailangang magkaroon ng malinaw na pagsisiyasat ukol dito. Dapat ngang makialam ang Senado sapagkat sila ang may karapatang kumuwestiyon sa ikinikilos ng gobyerno at nang dayuhan na may kaugnayan sa base militar.

Maaaring ang tensiyon sa West Philippine Sea ang sinasamantala ng US para igiit ang pagtatayo ng base militar. Matagal nang isyu ito at kaya lamang hindi makakilos nang husto ay sapagkat maraming tumututol. Pero sa panibagong isyung ito ay naaalarma ang marami na maaari ngang magbalik ang mga Kano. Sasamantalahin ang pambu-bully ng China para magkaroon ng katwiran. Kailangang maging handa sa inaaksiyon ng mga Kano.

AGREEMENT

DAPAT

DEFENSE COOPERATION

KAILANGANG

KANO

MALACA

MIRIAM DEFENSOR-SANTIAGO

MUTUAL DEFENSE TREATY

SENADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with