^

PSN Opinyon

Sibuyas smuggling pahirap sa magsasaka

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

TALAGA bang hindi matitigil ang pag-smuggle ng sibuyas sa Pilipinas?

Mahigit isang dekada na mula nang i-expose ko ang modus operandi. Nag-i-isyu ng import permit ang Bureau of Plant Industry (BPI). Hindi nakasulat kung gaano karami o kelan dapat pumasok ang kargamento. Biglang dumagsa nang libo-libong tonelada sa Disyembre-Enero. Inani ito bago mag-winter, sa Europe, China at North America.

Tiyempo naman na tag-ani nang Pebrero-Marso sa Nueva Ecija, Pangasinan, at Ilocos region. Nagugulat na lang ang mga magsasaka na puno na ang refrigera-ted warehouses ng imported na sibuyas. Napipilitan sila magbagsak ng farm gate price sa mamamakyaw.

Ang nagpopondo sa mamamakyaw ay mismong ang importer. Binebenta niya sa palengke nang mahal ang imported na sibuyas, tapos binibili nang mura ang sa lokal na magsasaka. Kapag naisalya na lahat ng imported, saka naman ibebenta nang mahal ang galing sa lokal. Yumayaman ang importer.

Hindi pa tapos doon. Nire-recycle ng importer ang nagamit nang import permit sa Mayo-Hunyo. Kasabwat ang mga kawatan sa BPI at Customs, nag-i-smuggle ng bagong ani mula sa Australia-New Zealand, para muli magbenta nang mahal. Lugi ang magsasaka at mamimili.

Gan’un pa rin ngayon, napag-alaman ko mula kay Rosendo So, president ng Samahang Industriya ng Agrikultura (Sinag) at founder ng Abono party list. Natuklasan nila na may smuggled na sibuyas nu’ng bagong taon mula Europe, kung saan ang presyo ay P18 per kilo. Kaya nang mag-ani ang lokal, bumagsak ang farm gate price sa P10 per kilo, mula sa dating P20. Ang presyo sa palengke ay nananatiling P28 per kilo. Tiba-tiba ang smugglers mula sa puslit o lokal na ani.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM). E-mail: [email protected]

 

ABONO

AGRIKULTURA

AUSTRALIA-NEW ZEALAND

BIGLANG

BUREAU OF PLANT INDUSTRY

NANG

NORTH AMERICA

NUEVA ECIJA

ROSENDO SO

SAMAHANG INDUSTRIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with