^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Salamat sa inyong pagtitiwala

Pilipino Star Ngayon

NGAYONG taon na ito, dalawang awards ang natanggap ng Pilipino Star NGAYON. Una ay ang Mabini Media Awards ng Polythecnic University of the Philippines (PUP)  bilang Best Tabloid Newspaper at ikalawa ang 12th Gawad Tanglaw  bilang “Best Filipino Newspaper of the Year”.

Tamang-tama ang awards sapagkat sa araw na ito ay nagdiriwang ang PSN ng ika-28 anibersaryo. Isang malaking karangalan sa PSN na pagtiwalaan at paniwalaan. Maraming salamat.

Malayo na ang nilakbay ng PSN mula nang itatag noong Marso 17, 1986. Maraming pagsubok na ang naranasan at nalampasan. Dumanas nang maraming problema: Kahirapan, malalakas na bagyo, baha, habagat, tagtuyo, kaguluhan at kung anu-ano pang mga hadlang. Pero sa kabila ng mga ‘yan, narito pa rin at matatag ang PSN. Patuloy na naghahatid nang mga maiinit na balita, patas na komentaryo, mga kuwentong may kalidad, nakaaaliw at kapana-panabik na balitang showbiz at sports. Ipinagkakaloob ng PSN ang lahat nang makakaya para masiyahan ang mambabasa at ito ang susi kaya nangunguna ang PSN.

Ang pagiging No. 1 ng PSN ay hindi naman mangyayari kung wala ang mga mahal na mambabasa. Kung wala ang mga masusugid na mambabasa, hindi mangunguna ang PSN. Nang ilunsad ang pahayagang ito, marami ring pahayagan ang inilunsad. Nagkaroon ng kumpetensiya. Pero sa dakong huli, ang PSN pa rin ang natira at ang mga kakumpetensiya ay nagsitiklop na. Isang patunay na malakas ang suporta ng masa sa pahayagang ito. Hindi rin naman magtatagumpay ang PSN kung wala ang mga tagapagtaguyod na advertisers. Walang pahayagan na nagtagumpay kung wala ang suporta ng advertisers. Napaka-laki nang nagagawa ng advertisers para ganap na umunlad at lumaki ang pahayagan. Marami pong salamat sa inyo mga mahal na advertisers.

At sino ang makakalimot sa mga masisipag na newspaper agents at mga newsboy. Nakikita sa kalye ang PSN dahil sa kanila. Kahit na bumabagyo at bumabaha, nariyan sila para ihatid ang PSN. Walang hanggan ang aming pagtanaw ng utang na loob sa inyo. Hindi namin ito malilimutan.

vuukle comment

BEST FILIPINO NEWSPAPER OF THE YEAR

BEST TABLOID NEWSPAPER

GAWAD TANGLAW

ISANG

MABINI MEDIA AWARDS

MARAMING

PERO

PILIPINO STAR

PSN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with