^

PSN Opinyon

Halimuyak ni Aya (423)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“TITA, pinasaya mo ako. Napakagandang regalo ito sa kasal namin ni Sam,’’ sabi ni Aya at inakbayan at niyakap si Dra. Sophia. Napatigil sila sa pagla-lakad. “Napakabait mo Tita.’’

“Sino ba naman ako para hindi magpatawad. Kahit na walang kasing sakit ang ginawa ng Papa mo sa akin, kinalimutan ko na ‘yun. Mas masa­rap kasing mamuhay na walang kinikimkim na galit sa kapwa o maski sa da-ting karelasyon.’’

“Tama ka Tita, mahirap talaga ang may kinikimkim na galit. Alam mo, yung isang babaing malaki ang pagkagusto kay Sam ay humingi ng sorry sa akin at walang anuman kong tinanggap iyon. Masarap sa pakiramdam.’’

Napatangu-tango si Tita Sophia. Nagpatuloy sila sa paglalakad.

“Kaya pala mo ako niyaya sa mall na ito ay dahil mayroon kang sasabihin, Tita.’’

“Oo. Dapat noong kumain tayo pero hindi ko masabi dahil kasama natin si Sam. Nahihiya ako na marinig niya.’’

“Ah kaya pala atubili ka nang tanungin kita.’’

“Oo.’’

“Ngayon ay lalo pa akong magiging masaya dahil sa sinabi mo Tita. Walang kasing saya. I love you Tita.’’

“Pero, Aya, sabihin mo sa akin, mayroon ka bang kontak sa Papa mo.”

Kinabahan si Aya sa tanong. Sabihin na kaya niya ang totoo. Saglit na nag-isip. Nagpasya siya.

“Wala po akong alam kung nasaan si Papa, Tita. Mula po noong mamatay si Mama at hindi man lang siya dinalaw ni Papa, nawala na po ang komunikasyon namin.’’

“Ganun ba? Akala ko mayroon kang alam sa kanya. Kasi nga madalas mong itanong sa akin kung mapapatawad pa siya.’’

Pinanindigan na ni Aya ang pagkakaila. Mayroon kasi siyang binabalak para sa kanyang Papa at Tita Sophia.

“Okey yun lang naman ang dahilan kaya kita niyaya rito. At palagay ko dapat tayong magselebreyt dahil sa pangyayaring ito. Halika at iti-treat kita.’’

“Ah hindi ako papayag. Ikaw ang iti-treat ko, Tita.’’

“Ako na, Aya. Hayaan mo na ako.’’

“Next time mo na lang ako ilibre, Tita. Pagbigyan mo ako ngayon.’’

“Sige na nga.’’

“Basta isi-set natin ang sunod na pagkain sa labas.’’

“No problem.’’

ISANG araw kinausap ni Aya ang kanyang papa.

“’Pa, labas tayo nga-yon, pasyal tayo at kumain. Miss ko nang kasama ka sa labas. Natatandaan ko noon di ba kumain tayo. Halika, labas tayo.’’

“Aba sige. Saan tayo pupunta?”

“Doon sa paborito mong puntahan noong nag­sasama pa kayo ni Tita Sophia.’’

“Bakit dun?”

“Basta!” (Itutuloy)

AKO

ALAM

AYA

BAKIT

DAPAT

HALIKA

OO

TITA

TITA SOPHIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with