First Aid: Povidone Iodine at alcohol

KUNG ikaw ay may impeksiyon sa balat, minsan ay mahirap itong gumaling. May simpleng lunas na makatutulong sa iyo. Ito ang paggamit ng Povidone Iodine at alcohol.

Ano ang mga sakit na kayang gamutin?

Dahil ang Povidone Iodine at alcohol ay nakapapatay ng mikrobyo (antiseptic), maraming sakit sa balat ang kaya nitong pagalingin tulad ng:

1. Pigsa – Impeksyon ito sa balat na may nana.

2. Dermatitis – Ito’y isang pamumula sa balat na sanhi ng allergy sa sabon, tsinelas o gloves.

3. Eczema – Kapag ang sugat ay namamasa at may nana na, eczema na ang tawag dito. Napakakati nito at pangit ang hitsura.

4. Alipunga – Isang fungal infection ito ng mga daliri sa paa. Dulot ito ng pagpapawis ng paa dahil laging naka-sapatos o naka-medyas.

5. Tigyawat sa mukha at katawan.

Kahit anong kagat ng hayop, puwedeng lagyan ng alcohol o Povidone Iodine.

6. Kati-kati at pantal sa katawan, at

7. Sari-saring sugat at impeksyon sa kuko.

Povidone Iodine sa impeksyon:

Mabisa at matapang ang Povidone Iodine laban sa mga nabanggit na impeksyon. Mas mabisa pa ang Povidone Iodine kumpara sa alcohol. Kapag matindi talaga ang impeksyon, Povidone Iodine na ang gamitin.  

1. Patakan ng Povidone Iodine ang bulak o cotton buds para mabasa ito.

2. Pahiran ang naturang impeksiyon ng Povidone Iodine 3 beses sa isang araw.

3. Ang gusto nating mangyari ay manuot ang katas ng Povidone Iodine sa loob mismo ng ating balat. Mahapdi ang pakiramdam nito kapag pumapasok ang Povidone Iodine. Tiisin lang dahil siguradong masusugpo ang impeksiyon kapag naabot ito ng Povidone Iodine.

4. Ang isang side effect lang ng Povidone Iodine ay ang pangingitim ng iyong balat. Okay lang iyan dahil sa katagalan ay babalik din sa normal ang balat.

5. Gawin ito ng 7-10 araw hanggang mawala na ang impeksyon.

 

 Alcohol sa impeksyon:

Kung hindi naman malala ang iyong impeksyon, puwede muna subukan ang alcohol. Sa mga madalas magkaroon ng pigsa o tagihawat, alcohol din ang solusyon diyan.

Katulad ng ginawa natin sa Povidone Iodine, basain ng alcohol ang bulak o cotton buds at ipahid ito ng 3 beses sa maghapon.

Isa pang payo: Kalinisan lang ang panlaban natin sa mga sakit. Maligo araw-araw. Kumunsulta sa doktor kapag hindi gumagaling ang sugat. Good luck po!

 

Show comments