MARAMING kuwestyon sa kuwento ni Ruby Tuason sa Senate Blue Ribbon Committee hearing sa isyu ng Priority Development Assistance Fund (PDAF). Ito ay ibinahagi ni Sen. Jinggoy Ejercito Estrada (SJEE) sa press conference pagkatapos ng hearing.
Narito ang ilang bahagi ng press conference:
Tanong ng media): May dineliver daw na pera sa bahay niyo sa Greenhills, sa Zirkoh?
(Sagot ni SJEE): … yung bahay ko sa Greenhills, kailan siya nagpunta? Hindi niya alam kung anong kalye sa Greenhills. Paano siya makakapunta doon? At hindi pa siya yata nakakapunta sa bahay ko sa Greenhills, if my memory serves me right. Never din akong tumawag at humihingi daw ako ng isang milyon sa kanya noong nasa Zirkoh ako.
(Media): Sa wake lang ni Rudy Fernandez, doon niyo nakilala si Janet Lim Napoles?
(SJEE): Yes, through Lorna Tolentino, hindi siya (Tuason).
(Media): Sabi ni Sen. Guingona, kayo raw ang pinaÂka-nadiin sa testimonya ni Tuason?
(SJEE): Ang hirap kay Sen. Guingona, sinasabi niya three-point shot daw ang testimonya ni Tita Ruby. Ang masasabi ko lang sa kanya sa pag-handle ng Blue Ribbon Committee dapat siya ang ma-charge ng offensive foul dahil unang-una masyado niyang hinuhusgahan ang tesÂÂtimonya ni Tita Ruby na wala pa namang basehan. PaÂngalawa, nambabalya siya ng mga kapwa niya senador para lang maka-shoot siya sa maagang pamumulitika. Siguro itong si Sen. Guingona, I also cannot blame him dahil he might want to improve his further ratings in the elections. Maybe from number 12 gusto niyang maging number 11.
(Media): Burado na raw ang mga CCTV. Ito ba ay relief sa inyo?
(SJEE): Ako nga ang humiling sa Office of the Sergeant-at Arms na ilabas ang CCTV (footage) kung mayroon pa silang kopya ng year 2008 kung saan sinabi raw ni Mrs. Tuason na siya ay nagdadala ng pera dito sa Senado. I manifested it on the floor… to verify kung nagdadala ng pera si Mrs. Tuason. Because I am very confident na wala naman talaga siyang bininigay na bag-bag na pera dito.
Ilalahad ko ang iba pang detalye ng usaping ito sa mga susunod na kolum.