^

PSN Opinyon

Ang Damo

- Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

ALAM n’yo ba na noong araw, ang cocaine na isa sa mga ipinagbabawal na droga sa buong daigdig ay legal?

Sa katunayan, nang magsimula ang soft drinks na Coca-Cola sa Amerika, ito’y hinahaluan ng cocaine. Kaya nga “coca”. Ginagamit din ang narkotikong ito bilang gamot sa sari-saring sakit.

Ngunit di naglaon ay ipinagbawal na ito dahil marami ang naging sugapa sa paggamit ng droga. Maraming celebrities sa Hollywood ang nahaling sa pagsinghot nito.

Malamig ang tugon ng Department of Health sa panukalang gawing legal ang marijuana para mapagkunan ng gamot sa ilang uri ng karamdaman. Ito’y isang batas na isinusulong sa Kongreso.

Tulad ng cocaine, ang marijuana ay maaaring may benepisyong medikal pero dapat marahil timbangin ang mabuti at masamang epekto nito.

Sa pagdinig ng House Committee on Dangerous Drugs, sinabi ni Health Undersecretary Nemesio Gako, kakaila­nganin pa ang masusing pag-aaral sa kontrobersyal na usapin. Tama si Gako. Dapat timbangin ang benepisyo at masamang epekto nito kung magiging legal. Sa tingin ko, mas malamang ang kapahamakan ng mga taong puwedeng maging sugapa kaysa mga karamdamang mapapagaling nito.

Ganito kasi ang situwasyon. Kung gagawing legal ang marijuana para mapagkunan ng medisina, natural pahihintulutan ang mga marijuana farming. Kung mayroong taniman ng marijuana, paano titiyaking hindi maipupuslit ang mga dahon nito sa labas para gamitin sa bisyo ng mga sugapa? Next to impossible yata ito.

Kahit itanim mo pa ang marijuana sa kampo ng pulisya at militar,  walang kaseguruhan na ito’y hindi maipupuslit para ibenta sa labas. Yun ngang mga nakukumpiskang shabu na nasa pag-iingat na ng pu­lisya ay naibebenta pa sa labas eh. Kasi nga, milyun-milyong pisong halaga ang pakinabang diyan kaya ma­hirap umiwas sa tukso.

Pag-isipan munang mabuti lalo pa’t pasahol nang pasahol ang mga krimen na nangyayari na ang dahilan ay ang pagkabangag ng mga kriminal sa droga.

AMERIKA

COCA-COLA

DAPAT

DEPARTMENT OF HEALTH

GAKO

GANITO

HEALTH UNDERSECRETARY NEMESIO GAKO

HOUSE COMMITTEE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with