KAYA daw balak ng Philippine National Police (PNP) na kumuha ng sangrekwang security guards sa Camp Crame ay para italaga sa labas ng kampo ang mga alagad ng batas dahil dun sila higit na kailangan. Pati raw yung mga pulis na gumagawa ng clerical jobs sa opisina ay idedeploy na rin sa labas para lumakas ang “police visibilityâ€.
Okay iyan kung mababago ang nakagawian ng ilang pulis na parelak-relak lang sa kanto. Baka imbes na maragdagan ang police visibility ay dumami lalu ang “invisible†na mga pulis. Hindi ko nilalahat pero ito’y isang open secret. Mayroong mga pulis na kuntento sa pakamot-kamot ng tiyan, payosi-yosi, pakape-kape. Pati tuloy yung ilang matitino ay nadadamay sa pangit na imahe ng mga ito!
Ayon sa isa kong kaibigan na ayaw nang magpabanggit ng pangalan, kamakailan ay pauwi siya ng Frisco mula sa Crame. Nagdaan siya sa Horseshoe village. Sa gate daw ay may nakahimpil na mobile patrol car 107 na walang laman. Luminga-linga siya sa paligid at wala raw nakitang pulis ni isa.
Sa kanto naman ng Hemady at Aurora Blvd. nakita niya ang patrol car 76 at nasilip niya yung tatlong pulis sa loob na kampanteng natutulog! Tinext daw niya ang station commander pero walang nag-reply.
Sa ganyang situwasyon, hindi pagdaragdag ng pulis sa kalsada ang kailangan kundi pagsibak sa mga tamad at bulakbulerong alagad ng batas na walang inatupag kundi mangotong. Yung mga matitirang episyente sa pagsisilbi ang siyang panatilihin sa puwesto. Hindi katakataka na ang mga streets crimes, tulad niyang pamamaril ng mga riding in tandem ay maging talamak. Wala nang kinatatakutang pulis ang mga kriminal.
Lalung kailangan ngayon ang karagdagang puwersa ng PNP sa mga paaralan dahil sa problema sa droga. Ipinapanukala nga ni Sen. Bongbong Marcos na palakasin ang patrulya ng mga pulis sa mga school zones kaugnay ng operasyon sa bansa ng Mexican Sinaloa drug cartel.
Kahit ang PNP mismo ay umamin na ang naturang drug cartel ay nagsimula na ng kanilang “shabu’’ (methamphetamine) operations sa Pilipinas. Sa taong ito ng “kabayo†sana gumawa si PNP chief Alan Purisima ng isang no-nonsense drive para pagsisipain ang mga bugok at tiwaling pulis na nakakapit pa rin sa kultura ng katamaran at pangongotong.