^

PSN Opinyon

Drama na susubaybayan nang marami

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

NAGSALITA na si Vhong Navarro tungkol sa pambubugbog na natamo niya umano sa kamay ng mga kaibigan o kakilala ng isang Deniece Cornejo. Ayon sa komedyante, biktima siya ng isang “set-up” at pangingikil. Planado lahat, ‘ika nga. Mula sa pag-imbita umano sa kanya ni Cornejo hanggang sa pagdadala sa presinto para ma-blotter ang insidente. Akusado siya ngayon sa tangkang panggagahasa kay Cornejo, na kanyang itinanggi.

Ang kampo ni Cornejo ay mariin din ang pahayag sa tangkang panggagahasa sa kanya ni Navarro. At kung hindi dumating ang kanyang mga kaibigan ay baka natuloy na ang krimen. Malinaw na ang insidenteng ito ay aabot sa korte. Dapat lang, kung gustong patunayan ng magkabilang kampo ang kanilang mga akusasyon. Parehong mabibigat na kaso ang planong isampa ng magkabilang kampo. Pero dahil isinapubliko na ang insidente, natural na interesado na ang publiko, lalo na’t kilalang artista ang sangkot. Pero bukod sa mga pangunahing karakter, marami na rin ang nagtatanong, sino ba si Cedric Lee?

Negosyante umano si Lee. Land developer. Marami nang proyektong nagawa para sa pribado at publikong sektor. Kaibigan daw ito ni Cornejo na nakadiskubre kay Navarro sa akto na ng panggagahasa, kaya siya nakialam. Nataon naman na marami silang dumating sa condo ni Cornejo habang nagaganap daw ang krimen. At dahil pumalag daw si Navarro, wala na silang magawa kundi bugbugin, iginapos ang kamay at paa, at dalhin sa presinto. Dito na nagkakaroon ng maraming katanungan, kung sino si Lee.

Hindi iba si Cedric Lee sa mundo ng showbiz. May anak kay Vina Morales. Maraming kilala sa showbiz. Pero dahil sa kanyang pagkakasangkot sa pambubugbog kay Vhong Navarro, naungkat muli ang isang similar na kaso kung saan dawit din siya. Inakusahan siya at ilan niyang kaibigan ng pambubugbog at grave threat kina Jessica Rodriguez at David Bunevacz. May kinalaman sa negosyong itinayo nila ang gulo, na nauwi umano sa pambubugbog kay Bunevacz. Pero para tumahimik na lang ang buhay nila Rodriguez at Bunevacz, umalis na lang sila ng bansa kaya hindi na umandar ang reklamo nila kina Lee. At ngayon, isang similar na insidente na naman ang naganap. Inaalam na rin ang mga umano’y koneksyon ni Lee sa NBI. Pati mga pulis ay tinatanong kung bakit kinailangang bugbugin at igapos si Navarro. Wala raw may karapatan, pati mga pulis, na manakit ng suspek. Dapat tumawag na lang ng pulis at sila na lang ang humawak ng kaso. Pero pati mga pulis Taguig ay napapasailalim na rin sa imbestigasyon, dahil nga sa kanilang umano’y pagkukulang sa paghawak sa kaso ni Navarro. Napakaraming tanong at bersyon ng mga pangyayari. Isang drama muli ang susubaybayan ng mamamayan na gutom na sa katotohanan.

BUNEVACZ

CEDRIC LEE

CORNEJO

DAPAT

DAVID BUNEVACZ

DENIECE CORNEJO

NAVARRO

PERO

VHONG NAVARRO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with