Tugtugan walang humpay
IBINIDA ni Atty. Silverio ‘Biyong’ Garing ang kanilang fund raising tugtugan na tinaguriang ‘a concert for a cause,’ na gagawin dyan sa Hard Rock Cafe, 3rd Level, Glorietta, Ayala Makati City sa Enero 22,2014 around 8pm.
Inaanyayahan ang lahat na dumalo sa nasabing tugtugan blues.
Abangan.
CPNP Alan Purisima vs. kriminal
TUMAAS last year 2013, ang ‘Net Satisfaction Rating’ na plus 50% ng kapulisan sa Philippines my Philippines dahil na rin sa walang humpay na pangangalaga ng mga ito sa seguridad at kaayusan madlang public.
Kaya lamang sa unang salvo ng 2014 ay nagkaroon ng mga hindi magagandang balita dahil tumaas ang ‘crime rate’ sa iba’t-ibang lugar kaya naman parami ng parami ang namamatay na civilian.
Ginagawan ng paraan ni CPNP Alan Purisima ang mga nangyayari sa ngayon para masawata ang kriminal.
Last year ipinakita ng kapulisan ang kanilang ginawang tulong sa mga biktima ni super bagyong Yolanda dyan sa Tacloban halos hindi sila natutulog sa search and retrieval operations kaya naman tuwang -tuwa ang madlang public sa nakitang gawain ng mga lespu.
Ipinatupad rin nila ang peace and order sa Tacloban at iba pang probinsiya ng hinagupit ni Yolanda kaya malaking pasasalamat ulit ng madlang people sa kapulisan ang ginawa at ipinakita nila sa pangunguna ni CPNP Alan Purisima.
Hindi lang ito ang ginawa ng pulisya noon nakalipas na eleksyon nakontrol nila ang katahimikan at kapayapaan hindi lamang sa mga kandidatong naglaban-laban, mga sipsip este mali leader pala at mga alalay nila kundi maging sa mga botante sa mga polling places ay kalmado sila.
Sabi nga, walang gulong nangyari!
Ipinakita rin ng pulisya ang kanilang naging role sa Zamboanga giyera patani kaya naman ang madlang public ay natutuwa sa malaking pagbabago sa pamunuan ni Purisima.
Ngayon 2014, lahat ay gagawin ng pamunuan ng kapulisan para mapanatili ang peace and order sa Philippines my Philippine.
Abangan.
CBCP versus smuggling
NGAYON lang tayo bumilib ng magpakawala ng praise release este mali press release pala ang Catholic Bishops Conference of the Philippines my Philippines dahil alam nila na may sabwatan ang mga opisyal ng government of the Philippines my Philippines at rice smugglers.
Kaya naman dahil naniniwala ang CBCP na may sabwatan sa pagitan ng mga bugok sa gobierno at mga rice smuggler, biglang pumasok sa eksena at nagmura ang presyo ng bigas ngayon matapos ang PR ng Department of Agriculture. Hehehe !
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi talaga makakapasok ang anuman smuggled goods sa Philippines my Philippines hangga’t hindi pumapayag ang taga - Bureau of Customs na pumasok ito sa mga piniling customshouses.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dahil nagkaroon ng negosasyon tone-tonelada tuloy ang pumasok na mga imported smuggled rice rito.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sako-sakong imported smuggled rice nakalulan sa mga 20 footer container van ang nakakalusot at nagbabayad lamang ng napakaliit na porsiento para sa buwis kaya paano nangyayari ito kung wala itong kasabwat sa Bureau of Customs.
Dahil sa smuggling ng bigas ang mga magsasaka ang siyang naghihirap dahil ang halaga ng kanilang itinatanim ay nabibili ng mas mababa ang presyo.
Bakit?
Sagot - flooded ang supply ng smuggled imported rice sa Philippines my Philippines.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sangkatutak ng smuggled shipments ang pumapasok sa Philippines my Philippines hindi lang naman puslit na bigas kundi pati illegal drugs ay nagbabaha na rin sa merkado.
Abangan.
- Latest