Populasyon at kahirapan
IBA-IBA ang persepsyon at naging reaksyon ng publiko at mga nakaupo sa pamahalaan hinggil sa usapin ng lumolobong populasyon. Marami ang nababahala, marami naman ang nagkukunsiderang isa itong hamon at mala-king oportunidad para umunlad ang bansa.
Sa datus na inilabas ng Commission on Population, tinatayang aabot sa 100 milyon ang populasyon bago matapos ang 2014. Sa kanilang estatistika, araw-araw, 5,574 ang bilang ng mga ipinapanganak na sanggol o dalawang milyon ang naidadagdag sa census taon-taon.
Para sa ahensya, hindi na balanse ang populasyon ng Pilipinas dahil mas marami na ang bata kaysa sa mga matatanda na may kapasidad at kakayahang magtrabaho at sumuporta. Subalit, para sa Malacañang ang pagkapal ng populasyon, itinuturing hamon at oportunidad.
Tulad sa mga karatig-bansang Japan at Singapore na ginagamit ang lakas-paggawa, sa Pilipinas, itinuturing rin ng pamahalaan na tao ang pinakamahalagang elemento at parte ng lipunan.
Sa kabila ng pagdami ng populasyon, itutuloy-tuloy din naman umano ng gobyerno ang mga proyekto para sa mga mahihirap tulad halimbawa ng Conditional Cash Transfer Program. Nauna ng sinabi ng Commission on Population na mas madali ang pag-unlad ng isang bansa kung kakaunti lang ang populasyon nito.
Paulit-ulit na inaanunsyo ng kasalukuyang admiÂnisÂtrasyon na papaangat at papaganda ang lagay ng ekono- miya. Pero ang malaking katanungan, ramdam ba ito ng taumbayan o ang malaking porsyento ng populasyon ng bansa?
Kahit anupang datos ang ilabas ng mga survey firm tungkol sa pag-unlad kung hindi naman ramdam ng publiko – marami pa rin ang mga kumakalam ang sikmura, wala rin itong kabuluhan.
Tulad ng lagi kong sinasabi sa aking programa sa BITAG sa Radyo, taumbayan pa rin ang pinaka-mabisang sukatan kung talaga nga bang umuunlad ang isang bansa.
- Latest