^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Please, igalang si Jose Rizal

Pilipino Star Ngayon

SA Bagumbayan (tinatawag ngayong Luneta) binaril si Dr. Jose Rizal noong Disyembre 30, 1896. Eksaktong 117 taon na ang nakalilipas mula nang siya ay i-firing squad. Ang kanyang kamatayan ang nagpasiklab sa rebolusyon. Ang pagbubuwis niya ng buhay ang naging mitsa para hangaring makalaya sa mga mananakop na Kastila. Pero sa ginagawa ngayon ng ilang Pinoy na pagkakalat ng basura sa parke na kina­roroonan ng kanyang monumento, hindi na siya iginagalang.

Noong gabi ng Disyembre 24, dumagsa ang mga tao sa Luneta. Doon na sila nagpalipas nagselebreyt ng Pasko. Buong maghapon sila roon, Kinabukasan, (Disyembre 26) ay natambad ang maraming basura na nagkalat sa buong Rizal Park. Mga basurang plastic ang naroon --- supot, cup ng noodles, plastic bottle, styro, kaha ng sigarilyo, kahon ng fried chicken, dahon ng saging, plastic na kutsara’t tinidor, 3-in-1 coffee sachet, aluminum foil, kaha at upos ng sigaril­yo at marami pang basura na hindi natutunaw. Ayon sa National Parks Development Committee (NPDC) mas marami ang basura ngayon kaysa nakaraang taon.

Kung makakapagsalita lamang si Rizal, ma­ aaring masermunan niya ang mga taong walang disiplina sa pagtatapon ng basura. Hindi nga nakapagtataka kung magkaroon ng baha sapagkat mga tao na rin ang gumagawa. Ang mga basurang itinapon ang nagpapabara sa mga daanan ng tubig na nagdudulot ng grabeng pagbaha.

Ang mga basura kapag hindi agad nakolekta ay maaaring tangayin ng hangin at dalhin sa Manila Bay. Kapag sumama ang panahon, isusuka uli ito ng Manila Bay at mas marami pa.

Bukas, Disyembre 31, inaasahang dadagsa uli ang maraming tao sa Rizal Park. Sana, huwag nang tambakan ng basura ang parke. Please, igalang naman ang Pambansang Bayani. Magkaroon ng disiplina sa pagtatapon ng basura.

 

BASURA

DISYEMBRE

DR. JOSE RIZAL

LUNETA

MANILA BAY

NATIONAL PARKS DEVELOPMENT COMMITTEE

PAMBANSANG BAYANI

RIZAL PARK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with