EDITORYAL - Bigyan ng reward, magsusumbong sa mga magpapaputok ng baril
ISANG paraan para madaling mahuli ang mga magpapaputok ng baril sa bagong taon ay magbigay ng reward sa mga magsusumbong sa mga ito. Kapag may reward – halimbawa’y P100,000 maÂgiging mabilis ang pagresolba sa kaso. MadÂa ling mahuhuli ang trigger happy.
Taun-taon, laging may nabibiktima ng ligaw na bala. Kahit pa paulit-ulit ang banta ng Philippine National Police (PNP) sa mga magpapaputok ng baril, wala ring pagkatakot at nadadagdagan pa ang may “utak-tinggaâ€.
Sa report ng Department of Health (DOH), 10 na ang naitatalang tinamaan ng ligaw na bala. Huling naitalang biktima ay isang babae mula sa Bgy, Pinagsama, Taguig City. Nakatayo umano sa harapan ng kanilang bahay ang babae nang may pumutok. Pagkaraan ay namanhid ang kanyang binti at natumba siya. Dinala sa Taguig-Pateros District Hospital ang babae.
Ang unang kaso ng tinamaan ng ligaw na bala ay naganap noong Disyembre 23, dakong 1:30 ng mada-ling araw sa Ormoc City. Ayon sa DOH, isang 23-anyos na lalaki na nakaupo sa loob ng kanilang bahay ang tinamaan ng bala sa kaliwang binti. Isinugod sa ospital ang lalaki at inooperahan na dahil tumagos sa buto ang bala. Hanggang sa kasalukuyan, wala pang naaaresto ang pulisya.
Kinabukasan, Disyembre 24, naitala ang ikalawang kaso ng tinamaan ng ligaw na bala sa Marikina City. Naglalakad sa Daang Bakal St. Bgy. Nangka si Roberto Mariano Jr. dakong 8:30 ng gabi nang tamaan siya sa kanang binti ng bala. Dinala siya sa Amang Rodriguez Memorial Medical Center. Wala pa ring naaaresto ang pulisya sa nagpaputok ng baril.
Sariwa pa ang pangyayari noong Disyembre 31, 2012, ng isang 7-taong gulang na batang babae sa Caloocan City ang tinamaan ng ligaw na bala sa ulo. Nanonood ng fireworks display si Stephanie Nicole Ella, Grade 1 pupil sa Tala Elementary School, Caloocan City nang tamaan ng bala. Isinugod sa East Avenue Medical Center sa ospital si Nicole subalit namatay ilang oras makaraan ang bagong taon. Hanggang ngayon, hindi pa nahuhuli ang nakapatay kay Nicole.
Mag-offer ng reward ang PNP para madaling mahuli ang mga trigger happy. Sa ganitong paraan, madaling mahuhuli ang kriminal. Kapag pera na ang sangkot, kahit kaibigan ng trigger happy ay tiyak magsusuplong.
- Latest