^

PSN Opinyon

Salamat sa Operation Blessing

- Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

KUNG mayroong isang non-government entity na tahimik lang na sumasaklolo sa mga biktima ng bagyong Yolanda sa Kabisayaan, ito ay ang Operation Blessing Philippines.

Bukod sa relief distribution, pagpapakain at medical mission, kumakalinga rin ito sa mga kabataan na saklot pa rin ng takot dahil sa nangyaring trahedya.

Hindi ko mapigil na purihin ang institusyong ito ng CBN Asia sa pagtulong nang walang hinihintay na kapalit. Alam kong may ibang samahan na ganyan din kung tumulong pero sana’y mas marami pa ang sumunod sa yapak ng ganitong mga samahan sa halip na ang namamayani ay pamumulitika. Purely service for God and people ang ginagawa nito dahil isang Kristiyanong samahan.

Maraming taon na ang nakararaan, nang masunog ang Ozone Disco sa Quezon City na doo’y marami ang namatay. Sumaklolo rin ang Operation Blessing nang tahimik. No fanfare wika nga. Ginastusan nito ang maraming kabataan na nawasak ang mga mukha dahil sa sunog sa pamamagitan ng reconstructive surgery.

Ang pakay ng Operation Blessing Foundation Philippines ay maibalik ang ngiti sa labi ng mga taga-Leyte matapos ang mapanalantang bagyo na nagwasak sa kanilang mga ari-arian at pumatay sa kanilang mga minamahal.

 Ganyan naman ang buod ng ipinapahayag na mensahe ng Bibliya: Hindi tayo dapat mawalan ng pag-asa dahil mayroong Diyos na nagmamahal sa atin at may mga ginagamit siyang tao para tayo kalingain sa panahon ng paghihirap.

Sa kabila ng kakapusan sa pananalapi ay tuloy-tuloy ang humanitarian work ng samahan tulad ng relief distributions, medical mission and feeding programs sa Leyte, Samar, Palawan, Iloilo and Roxas and Northern Cebu.

Sa kanilang gawaing panaklolo, ang  Operation Blessing ay nakapag-abot na ng tulong sa may 15,530 katao na nangangailangan ng pagkain at serbisyong pangkalusugan.

 

 

ALAM

BIBLIYA

ILOILO AND ROXAS AND NORTHERN CEBU

LEYTE

OPERATION BLESSING

OPERATION BLESSING FOUNDATION PHILIPPINES

OPERATION BLESSING PHILIPPINES

OZONE DISCO

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with