Tacloban: itayo muli o lisanin na lang?
KAPUPULUTAN ng aral ang dalawang bagyo na nagwasak sa Tacloban nu’ng 1897 at 1912 (Sapol, 26 Nov. 2013). MagaÂgamit ito sa pagpapasya kung itatayo pa muli ang lungsod o ilipat na lang ang mamamayan.
Pitong libo ang nasawi nu’ng 1897 sa capital at mga karatig-bayan ng Leyte; 6,000 muli nu’ng 1912, at 10,000 din sa Capiz. Nilunod, binayo sila ng rumagasang tubig at hangin. Tumba halos lahat ng gusali’t bahay. Putol ang komunikasyon. Kapos sa pagkain at gamot ang mga natira.
Ganito rin ang iniwang pinsala ng Super Typhoon Yolanda (Haiyan), makalipas ang 116 at 101 taon. Maikling panahon lang ‘yan, kung geological years ang batayan.
Dahil paulit-ulit nang winasak ng bagyo ang Tacloban sa loob ng isang siglo, paulit-ulit pa rin itong wawasakin ng super typhoons bunsod ng climate change. Kaya dapat suriin mabuti kung dapat pa ito i-reconstruct, o i-resettle na lang ang mga tao.
Kung nais ay itayo muli ang lungsod, meron bang mga bagong teknolohiya at paraan para hindi na gibain ng bagyo? Kaya ba ng mga bagong konkreto, bakal, bubong, at salaming bintana ang hanging 320 kilometers per hour, tulad ng Yolanda, at storm surges na doble ang taas ng bubong ng bungalow? Kaya ba’ng maglatag ng seawall kontra alon, at pagbawalan ang squatting sa pampang?
Hindi rin madali ang resettlement. Meron bang lupaing malayo sa San Juanico Strait na pagtitirikan ng bagong lungsod? Papayag ba ang Taclobeños na lumipat doon, o kakalat na lang sa iba’t ibang pook para magbagong-buhay? Meron bang pera ang lungsod pang-reconstruction, sa tulong ng central governÂment at ibang bansa? Nagtagumpay ba ang resettlement ng mga biktima ng 1991 Pinatubo eruption, para pamarisan?
* * *
Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM). E-mail: [email protected].
- Latest