^

PSN Opinyon

Simulan ang pag-aaral

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

HABANG unti-unting bumabangon ang mga bayan na nasalanta ng bagyo, dapat bigyan na rin ng panahon ng gobyerno na pag-aralan ang lahat ng naganap sa simula ng kalamidad na ito. Kung inaamin naman nila na may pagkukulang sila sa kanilang mga kilos ilang araw matapos manalasa ang bagyo, dapat gumawa ng mga paraan para hindi na maulit ang mga pagkukulang. Hindi lang ang pambansang pamahalaan, kundi pati na rin ang lokal.

Sa ating sistema, ang unang dapat rumesponde sa kalamidad ay ang lokal na pamahalaan. Sila ang mas nakaaalam ng kanilang teritoryo, ang kanilang mga mamamayan. Kaya kapag nahaharap sa kalamidad tulad nang malakas na bagyo, mahalagang malikas ang mga mamamayan, lalo na ang mga nakatira sa baybay-dagat. Hindi na dapat sinasabihan, kundi piliting lumikas. Responsibilidad ito ng lokal na pamahalaan. Kung nagawa ito bago tumama ang Yolanda, marami sana ang naligtas.

Nakita ang kakulangan ng kagamitan ng pamahalaan. Gumalaw lang nang husto ang relief goods nang dumating na ang mga Amerikano at ibang bansa. Sa panahon ng kalamidad, ang helicopter ang pinakamahalagang sasakyan para makarating sa mga lugar na nasalanta. Hindi kailangan ng mahabang lalapagan tulad ng eroplano. At hindi lang basta-bastang helicopter, kundi ang may malaking kapa­sidad para magdala ng mabigat na kagamitan, o relief goods. Ma­raming klaseng helicopter sa imbentaryo ng militar ng Amerika ang binebenta naman nila, tulad ng Chinook, Sea Knight, Seahawk, Sea Stallion at Jolly Green Giant. Lahat ito ay malaki ang pakinabang sa panahon ng kalamidad. Lahat ito ay binebenta ng Amerika sa ibang bansa.

 At kulang na kulang ang tatlong C-130 ng Philippine Air Force. Kailangan dagdagan ito ng mga tatlo o apat pa kung kakayanin. Kapag may paliparan na puwede nang lapagan, malaki na ang pakinabang ng C-130. Kaya kahit ngayon, napakarami pang C-130 na ginagamit ng militar ng Amerika, dahil napakalaki ng pakinabang. At ang isa pang ma­halagang bagay ay ang komunikasyon. Marami ang naka­kalimot na sa kasagsagan ng bagyo at ang kinabukasan, nawala lahat ng komunikasyon, dahil walang kuryente at bagsak ang halos lahat ng poste. Kung may mga satellite na telepono, hindi na problema ito. Hindi kailangan ng kur­yente at hindi kailangan ng linya para magamit, basta may baterya pa. At sa pagsabi ko niyan, generator ang isa pang mahalagang bagay sa panahon ng kalamidad. Kailangang matuto mula sa pagkakamali.

AMERIKA

JOLLY GREEN GIANT

KAYA

LAHAT

PHILIPPINE AIR FORCE

SEA KNIGHT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with