^

PSN Opinyon

Paghahanda

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

MAY dahilan kung bakit mas mabuti na ang lumikas, kaysa magmatigas at manatili sa isang lugar na maaaring mapinsala ng isang malakas na bagyo. Sa kabila ng kamatayan at matinding pagkawasak ng mga lugar tulad ng Tacloban, Palo, Tanauan, Tolosa at Dulag, may mga lugar na unang tinamaan ng bagyong Yolanda, pero wala o isa lang ang namatay. At bago ninyo isipin na baka hindi naman malakas ang tama sa mga lugar na iyan, halos lahat ng tahanan sa dalawang islang ito ang dinurog ni Yolanda.

Sa isla ng Manicani sa Guiuan, Eastern Samar, isa lang ang namatay sa higit tatlong libong residenteng nakatira roon. Sila ang unang tinamaang lupa ng bagyong Yolanda. Halos wala ring nakatayong tahanan pagkalipas ng bagyo, pero kung may magandang balita na makakalap, isa lang ang namatay sa lugar.

Sa isla naman ng Tulang Diyot sa Cebu, walang namatay sa 1,000  residente doon. Ganun din, wasak ang halos lahat ng mga tahanan sa lakas ng bagyo. Sa dalawang lugar na ito, alam ng mga residente ang kahalagahan ng maagang paglikas kapag may parating na potensyal na kalamidad, tulad ng bagyo. Iniwan na nila ang kanilang mga tahanan at nagtungo sa mataas at mas ligtas na lugar.

Maganda ang paliwanag sa kanila ng peligro ng storm surge, at nakinig sila. Sa isang isla, madalas rin silang nagsasanay para sa ganitong sitwasyon. Ano pa ba ang masasabi natin sa kahalagahan ng pagiging handa? Kaya ang isla ng Dulang Tiyot ay kinikilala ng United Nations Office for Disaster Risk Reduction(UNISDR) bilang huwaran sa pagbawas ng pinsala. Pinatunayan nila, at ng isla ng Manicani, na mas mabuti na ang handa, kaysa sa pagsisisi, at sisihan.

Nakita natin kung bakit sila matagumpay sa “zero casualty” na hangad sana ni Presient Aquino para sa lahat. Wala namang magagawa para maisalba ang tahanan. Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit marami ang ayaw pa ring lumikas kahit marami nang babala. Gustong manatili sa bahay dahil akala ligtas, ayaw iwanan ang gamit, baka mas mahirap ang kundisyon sa paglilikasan, matigas ang ulo, lahat na. Pero sa katapusan, mas mahalaga ang buhay. Sa dalawang islang ito, nakinig sila sa kanilang mga lokal na pinuno, nagsanay sila para sa kalamidad, at nakinig at sumunod sila pag dating ng panahon. Pagkalipas ng bagyo, naghintay na lang ng tulong. Tunay na huwaran, na dapat pag-aralan ng lahat, at matuto mula sa kanila.

DISASTER RISK REDUCTION

DULANG TIYOT

EASTERN SAMAR

LUGAR

MANICANI

PRESIENT AQUINO

TULANG DIYOT

UNITED NATIONS OFFICE

YOLANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with