NAKALULUNGKOT na nakapanggigigil! Habang bilyo nes ang nalustay sa pamahalaan na napunta sa mga pekeng NGO at sa bulsa ng ilang tiwaling opisyal, hindi tayo makapag-prodyus ng maliit na halagang P45 milyong (blood money) para maisalba ang isang kababayang bibitayin sa Saudi Arabia.
Tumitiktak na ang orasan. Ano mang araw ay bibitayin na ang ating kababayang si Joselito Zapanta dahil sa kasong pagpatay. Ito’y maliban na lamang kung magpapalabas ng bagong reprieve order ang Saudi government.
Sasabihin siguro ng iba, nagkasala ang taong iyan at hindi dapat tulungan. Pero Pilipino pa rin siya. May obligasyong moral ang gobyerno na kumilos para siya mailigtas kahit man lang pakitang-tao. At kung iisipin natin ang dambuhalang halagang pinagpistahan ng ilan sa mga pinagkatiwalaan nating maglingkod sa bansa, talagang nakakakulo ng dugo!
Ang kasalanan ni Zapanta ay wala pang isambutil sa krimen na nagkait ng sapat na serbisyo sa mga kaÂbabayan nating nagdaranas ng gutom at walang pera para sa kanilang pangangailangang pangkalusugan. Si Zapanta ay isa lang ang pinatay. Sila sandamakmak!
Tapos na ang taning sa pagbibigay ng blood money kaya halos wala nang pag-asa ang kababayan nating ito maliban na lang sa isang himala dulot ng ating mga panalangin.
Umaapela si Vice President Jejomar Binay sa madla na manalangin para mabigyan ng pagkakataon si Zapanta na mapalawig pa ang buhay. Si Binay ay kumakatawan din bilang Presidential Adviser on OFWs’ Concerns. Kagaya niya, nakikiisa ang buong sambayanan sa panalanging mabigyan pa ng extention ng Saudi government bago ituloy ang bitay para makalikom ng P45 milyong blood money.
Malaki-laki pang halaga ang hahabulin dahil sa nga-yon, P6 milyon pa lang ang nalilikom ng pamahalaan at pamilya Zapanta mula sa P45 milyong blood money na ka kailanganin. Maging ang Department of Foreign Affairs at ang Embahada ng Pilipinas sa Riyadh ay kumikilos na sa pagsisikap na mapigil ang pagbitay sa kababayan nating ito.
Sana’y mabagbag ang puso ng mga mambabatas at sila man ay magtulung-tulong para maipon ang ganyang halaga na ga-patak lang hambing sa nalustay na pera sa kaban ng bayan.
Sana’y mabagbag ang puso ng mga mam-babatas at sila man ay magtulung-tulong para maipon ang ganyang halaga na ga-patak lang hambing sa nalustay na pera sa kaban ng bayan.