Ilegal na droga
TALAMAK at hindi pa rin masawata ng mga awtoridad ang bentahan ng ilegal na droga. Problema itong matagal ng pilit nireresolba subalit tila lalo lang lumalala habang umuusad ang panahon. Ang masaklap, may mga utak sa pagpapakalat ng mga ilegal na droga. Karamihan sa kanila mga personalidad o di naman kaya kinikilala at malalaking tao sa lipunan.
Nitong mga nakaraang linggo, sunod-sunod na drug operations ang ipinalabas ng BITAG matapos mahulog ang mga suspect sa Philippine Drug Enforcement Agency at BITAG.
Sa mga isinagawang operasyon, nakita kung paano nahuli ang mga most wanted person na matagal ng hinahanting gayundin ang ilang mga “may kapit†sa mga nakaupong opisyal sa bawat lalawigan. Ang underground industry na ito ay nagpapatunay lamang na business as usual pa rin ang mga sindikato at walang batas na kinatatakutan.
Ayon sa PDEA, pangunahin pa rin ang methamphe-tamine hydrochloride o shabu. Bagamat tumataas ang presyo depende sa kalidad ng produkto, pasok pa rin sa durugistang masa ang shabu.
Nangunguna sa talaan ng ahensya ang Metro Manila sa mga rehiyon sa buong Pilipinas, sa bentahan ng mga ipinagbabawal na gamot. Pangkaraniwang isinasagawa ang mga transaksyon sa madidilim na eskinita sa mga syudad kaya nagagawang makatakas ng mga suspek at mailigaw ang mga awtoridad.
Kung iisipin ang sitwasyon ng ilegal na industriyang ito, masalimuot at mahirap nang burahin ang ganitong kalakaran at sistema sa bansa. Malaki ang ginagampanang papel ng publiko sa pagsugpo ng ilegal na droga na pumapatay sa kinabukasan ng kabataan.
- Latest