^

PSN Opinyon

Dugo at pulitika

- Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

ITO ang bagay na sana’y mawala sa pulitika: Pagdanak ng dugo.  Ano kayang pang-akit mayroon ang pulitika at kahit magkakaanak ay nagpapatayan?  Wala namang public office na malaki ang suweldo pero bakit kaya handang mamuhunan ng buhay at gumastos ng malaki ang mga kandidato para lamang magwagi?

Wala pang nangyaring eleksyon dito sa bansa na hindi nabahiran ng karahasan. Ngunit natutuwa ako sa dalawang magkahiwalay na insidente ng pagtatabla sa boto na dinaan sa toss coin.  Ang isa ay nangyari sa Barangay Pagdaraoan, San. Fernando, La Union.  Nagtabla sa boto ang magkatunggali sa pagka-chairman  pero imbes na daanin sa dahas, nagpasya silang daanin sa toss coin ang pagresolba sa problema.

Parehong nakakuha ng botong 405 ang incumbent chairman na si Romulo Pulido at ang kalabang si Raul Octavio. Sa naturang toss coin, nagwagi si Pulido at buong hinahong tinanggap ito ng kanyang kalaban. Ganyan sana ang lahat ng mga kandidato. Wala sana yung mga tinatawag na sore losers na naghuhuramentado kapag natalo. Kaya nga sa ating bansa ay sinasabing walang natatalo sa eleksyon kundi “nadadaya’ lang.

Ang ikalawang insidente naman ay naganap sa Bgy. Alinguigan III sa Ilagan City. Kapwa nakakuha ng botong 279 ang incumbent Kagawad na si Nicanor Cabalonga at katunggali na pinsan niyang si  Faustino Cabalonga para sa pang-apat na puwesto at si Faustino ang nagwagi sa toss coin. At least pareho silang pasok at ang pinagtalunan lang ay ang pang-apat na puwesto.

Bihira ang ganyang mapayapang insidente sa pag­resolba ng problema sa eleksyon pero sana, ang lahat ng mga kandidato ay maging maginoo sa pagtanggap ng pagkatalo at huwag nang daanin sa karahasan sakali mang hindi sila palaring manalo.

Sa Barangay Manapao, Pontevedra sa Capiz City naman , pinatay ng talunang incumbent chairman ang sariling kapatid na tumalo sa kanya sa eleksyon at idinamay pa ang dalawang ibang kapatid na hindi sumuporta sa kanya.

May kasabihang mas malapot ang dugo kaysa tubig pero pagdating sa pulitika, tila walang kama-kamag-anak. Sana, sana lang, maglaho na ang ganitong buktot na kultura dito sa ating bansa.

BARANGAY PAGDARAOAN

CAPIZ CITY

FAUSTINO CABALONGA

ILAGAN CITY

LA UNION

NICANOR CABALONGA

RAUL OCTAVIO

ROMULO PULIDO

SA BARANGAY MANAPAO

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with