^

PSN Opinyon

May mga hindi talaga makapigil

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

PANAHON pa ni Marcos ay problema na ito. Kapag may kalamidad at libo-libong mamamayan ang nangangailangan ng tulong, tiyak may lokal na opisyal na magtatago ng relief goods, o may mga tulong na galing sa lahat ng sektor ng lipunan at bansa na hindi aabot sa nararapat bigyan. Ano man ang dahilan – sila na lang ang magbibigay, aayusin nila ang sistema ng pagbigay, aasahan nila na pantay-pantay ang pagbigay at mabibigyan ang lahat, o aangkinin na lang.

At ganito na ang mga balitang lumalabas mula sa Bohol, na pina-iimbestigahan na ni DILG Sec. Roxas. May mga apektadong residente ang nagreklamo na wala pa silang natatanggap na tulong mula nang lumindol sa Bohol. Inatasan niya ang PNP na siguraduhing maibibigay ang lahat ng relief goods, dahil halos lahat na ng kalsada ay madadaanan na. 

Sa Bohol, pinaalis ng isang mayor ang mga taga-Red Cross na namimigay ng relief goods sa kanyang lugar. Hindi raw kasi nakipag-koordinasyon sa kanila, para maging maayos ang pagbigay ng mga tulong, at arogante raw ang Red Cross. Pinaliwanag ng mayor na may istilo ang ilang pamilya kung saan lahat ng miyembro – tatay, nanay, anak – ay pumipila para mas maraming makuha. Kung ganun, may punto ang mayor. Pero para paalisin niya ang Red Cross, na walang layunin kundi tumulong, ay hindi maganda. Kumakalat din ang balita na pinakikinabangan ng ilang pulitiko ang pagbibigay ng relief goods. May mga balita na may nakasiksik pang sample ballot para sa darating na halalan!

Nagbabala si Roxas sa mga namumulitika sa Bohol at Cebu. Sa madaling salita, bawal ang mag-epal. Pero may mga hindi talaga makapigil sa sarili, at kailangan ay alam ng mga nakakatanggap ng tulong kung sino ang tumulong sa kanila, kahit galing naman sa ibang grupo na hindi nagpapabanggit ng pangalan. Sana makita ito ng taumbayan, at tandaan ang mga pangalan na pilit inilalabas sa panahong ito kung saan dapat pangunahing tulong ang mahalaga, at hindi iboto pagdating ng panahon. Dapat siguro ang AFP na ang magbigay ng relief goods at wala nang makikialam na pulitiko. Palagi na lang ganyan ang problema.

ANO

BOHOL

CEBU

DAPAT

PERO

RED CROSS

ROXAS

SA BOHOL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with