^

PSN Opinyon

Sinibak na Ombudsman official ibinalik, ginawang Deputy Ombudsman

SABI NI BUBWIT… - Deo Calma - Pilipino Star Ngayon

ALAM n’yo bang ibinalik sa Office of the Ombudsman ang dating opisyal na sinibak dahil sa extortion?

Happy birthday muna kay dating Chief Justice Renato Corona, Orly Trinidad ng DZBB, Teray Rivas ng Star City, Aurora Albano Gonzales, Grandmaster Peter Lim Lou-Soy, Bro. Danny Nieves ng NFA, Capt. Benjie Escobal, Bro. Jun Medina, Marissa Espiritu at Kuya Joselito Mendoza.

Ayon sa aking bubwit, marami ang nagulat kung bakit nakabalik pa sa Ombudsman ang dating opisyal na sinibak noon dahil sa katiwalian. Ang Ombudsman ay kinasuhan noon ni Generoso del Castillo, Chief Accountant ng AFP. Si Del Castillo ay kinasuhan sa Ombudsman ng dishonesty, grave misconduct and conduct prejudicial to the best interest of the service (OMB Case No. PA-06-0031-A).
Habang iniimbestigahan si Del Castillo, ang Ombudsman official ay nag-alok na puwedeng ayusin ang kanyang kaso kung magbibigay ng P2-milyon. Ito ay pinag-usapan sa Starbucks Coffee Shop sa Podium, Ortigas, Pasig City at sa UCC Coffee shop sa Timog, Quezon City.

Dahil masyadong malaki ang hinihinging halaga, nagtawaran sila at nagkasundo na magbibigay ng partial payment na P400,000 si Del Castillo. Ibigay daw ang pera sa isang “Alex” na kasamahan nila sa Ombudsman. Ayon sa aking bubwit, sa kabila na nagbigay ng downpayment si Del Castillo, itinuloy pa rin ang kaso at hindi nadismis.

Dahil sa isyung ito, nag-file ng extortion si Del Castillo at nagsumbong kay dating Ombudsman Merceditas Gutierrez. Sinibak ang opisyal subalit nakabalik sa ilalim ng Aquino administration. Kinuha siyang consultant ni Ombudsman Conchita Carpio Morales at ginawang Deputy Ombudsman. Ngayon ay inirekomenda pa ni Morales na gawing Overall Deputy Ombudsman.

President Noynoy at Executive Secretary Paquito Ochoa, tingnan n’yong mabuti ang background nito at baka mapirmahan n’yo ang appointment at promotion. Isa umano itong extortionist. Ang Ombudsman official na kinasuhan  ng extortion ay si Atty. M.C. as in Mr. Cash.

ANG OMBUDSMAN

AURORA ALBANO GONZALES

AYON

BENJIE ESCOBAL

CASE NO

CHIEF ACCOUNTANT

CHIEF JUSTICE RENATO CORONA

DAHIL

DEL CASTILLO

OMBUDSMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with